Isang baguhang siklista na nainlove sa kagandahan ng mga nilikha ng Panginoon. Nung una parang paminsang libangan lang at pang-exercise pero nung nagpandemic, naging hobby na. Hanggang sa ang hobby na ito ay naging mahalagang parte na ng buhay ko.

Si Isaiah, ang aking folding bike, ang nagdadala sakin sa mga lugar na di ko pa nararating. Nakakawala ng stress at nakakarelax. Maraming challenges ang pinagdaanan namin ng bike ko tulad ng mga walang katapusang ahon, pero pagdating sa tuktok, bigla namang mawawala ang pagod.

Ang channel na ito ang magiging paraan kong idocument at ishare ang mga bago kong natutuklasang bagay tungkol sa bike at pagbbike. Samahan niyo ko kaPOLding--nakafolding bike ka man o kahit anong bisikleta. :)

"For this is what the Lord says—he who created the heavens, he is God; he who fashioned and made the earth, he founded it; he did not create it to be empty, but formed it to be inhabited—he says: “I am the Lord, and there is no other." (Isaiah 45:18)