Mabuhay! Kami ay isang Filipino-British na mag-asawa na naniniwalang hindi lang dapat dagdagan ang ating mga taon - dapat din nating dagdagan ng buhay ang ating mga taon sa pamamagitan ng paglalakbay, pakikipagsapalaran, at paglikha ng mga alaala. πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡¬πŸ‡§

Matapos ang mahigit 20 taon na paninirahan at pagtatrabaho sa United Kingdom at malayo sa ating Inang Bayan, panahon na upang balikan at kilalanin ang Pilipinas - isang bansang patuloy na nagbabago, ngunit nananatiling bahagi ng aming puso.

MISSION 82: HUWAG MAGING DAYUHAN SA SARILING BAYAN!

Ito ay ang paglalakbay sa 82 Probinsya ng Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­

Samahan kami sa pagtuklas sa lahat ng 82 probinsya ng Pilipinas - mula sa mga tanyag na destinasyon hanggang sa mga tagong hiyas, lokal na pagkain, kultura, kasaysayan, tradisyon, at higit sa lahat, ang mga taong nagbibigay-buhay sa bawat lugar.

Samahan ninyo kami. Maglakbay tayo! Baka kayo rin ay ma-inspire na tuklasin ang ating sariling bayan. πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈ

Maraming salamat po!