Tula muna dahil walang content😑 ............................................................. AWA
Sabi ko, tama na! Pero hindi mapigil, ayaw papigil Bumilang pa ng ilang segundo o kaya minuto At minsan oras pa para humupa ang di kilalang danas. Na kahit ilang beses ko nang nakaengkwentro Nananatili paring misteryo.
Kapag umiiral itong danas, Para akong taong matalino na hindi makapagpaliwanag. Umaasa sa maraming librong puno ng ideya Nagpapasaklolo sa pag-aaral ng mga hindi ko naman kilala Pero kahit anong kalkal at basa Wala paring sagot na makita.
Sa kakalakad ko habang nalulunod sa aking nakikita Napalingon ako at nagulat sa isang pigura Naaninag ko ang kaniyang pamilyar na mukha Sa pareho niyang mata, tumatakas ang mga luha Pero walang kahit na sinong sumasalo, hindi kahit kamay niya. Sinasahod ng bibig ang emosyong hindi maaring iparinig.
Naawa ako. Hindi lang sa kaniya. Naawa ako na hanggang awa lang ang aking magagawa. Hindi maaring pihitin pabalik ang mundo. Pero kung pwede, Kung sana............. Siguro hindi ako ngayon naaawa.
Kwentong AHA
Tula muna dahil walang content😑
.............................................................
AWA
Sabi ko, tama na!
Pero hindi mapigil, ayaw papigil
Bumilang pa ng ilang segundo o kaya minuto
At minsan oras pa para humupa ang di kilalang danas.
Na kahit ilang beses ko nang nakaengkwentro
Nananatili paring misteryo.
Kapag umiiral itong danas,
Para akong taong matalino na hindi makapagpaliwanag.
Umaasa sa maraming librong puno ng ideya
Nagpapasaklolo sa pag-aaral ng mga hindi ko naman kilala
Pero kahit anong kalkal at basa
Wala paring sagot na makita.
Sa kakalakad ko habang nalulunod sa aking nakikita
Napalingon ako at nagulat sa isang pigura
Naaninag ko ang kaniyang pamilyar na mukha
Sa pareho niyang mata, tumatakas ang mga luha
Pero walang kahit na sinong sumasalo, hindi kahit kamay niya.
Sinasahod ng bibig ang emosyong hindi maaring iparinig.
Naawa ako.
Hindi lang sa kaniya.
Naawa ako na hanggang awa lang ang aking magagawa.
Hindi maaring pihitin pabalik ang mundo.
Pero kung pwede,
Kung sana.............
Siguro hindi ako ngayon naaawa.
4 years ago (edited) | [YT] | 270