Philippines Celebrity Issues

SC: NO VP SARA IMPEACHMENT THIS YEAR

Idineklarang unconstitutional ng Supreme Court (SC) en banc ang articles of impeachment laban kay Vice Pres. Sara Duterte.

Sa pahayag ni SC spokesperson Atty. Camille Ting, paglabag ito sa one-year bar rule.

"The Senate did not acquire jurisdiction over the impeachment proceedings. However, the Court said it is not absolving Vice Pres. Duterte from any of the charges against her," sabi ni Ting.

Maaari umanong maghain ng panibagong impeachment complaint laban sa bise simula Feb. 6, 2026.

Nag-ugat ang impeachment complaint laban sa bise sa umano'y akusasyon ng maling paghawak ng public funds at "pagbabanta" laban kay Pres. Bongbong Marcos at iba pang opisyal.

#sarahduterte

3 months ago | [YT] | 4