Klook Code: SORALKLOOK
AGODA Code: SORALAGODA

Basketball and Travel Content Creator 🇵🇭🇯🇵
3.9k IG, 79k FB, 58K Tiktok

For hotel recos: lnk.bio/soral 👈 Click here

Follow us

Soral Discord: discord.gg/eSJ8recBRc
Facebook: www.facebook.com/soraltrading
TikTok: tiktok.com/@soraltrading
Twitter: twitter.com/soraltrading
Instagram: instagram.com/jan_soraltrading

My wife, Jamimoy:
Instagram: instagram.com/jamimoyvlogs
TikTok: tiktok.com/@jamimoyvlogs
Facebook: facebook.com/jamimoyvlogs
YouTube: youtube.com/@jamimoyvlogs
Link in Bio: lnk.bio/jamimoy


Soral

Alam niyo ba gumagana ang Food Panda App sa Taiwan?

Kwento ko lang. That evening ay malakas ang ulan at tinatamad na kami lumabas for dinner. Tapos napansin ko habang naglalakad kami that morning sa Kaohsiung ay nakita ko logo ng Food Panda kaya naisip kong i-check at yun nga gumagana!

Importante ito kasi most of the hotels here sa Taiwan ay meron free unli drinks sa lobby nila. Ewan ko lang pero naka-tatlong hotel na kami sa Taiwan, lahat sila may unli drinks at snacks sa lobby.

Kaya ayun, kumain nalang kami sa parang dining area. Grabe fried rice sa Taiwan talagang di ako magsasawa!

Tapos yun hotel nga pala ay Global Traveler Hotel na na-book namin sa AGODA at ang sarap ng unli drinks nila ah. No need na bumili lagi sa 711 for water, juice and coffee. Kaya sulit din ang hotel na ito kasi around Php 2,300 ko lang ito na-book for 2 na yun at malapit din siya sa Kaohsiung Main Station.

Yun lang. Pag tinamad at maganda ang hotel? Order nalang ng dinner online! 👍

#taiwantravel #HotelFinds #FoodPanda #agodaambassador #agodacreatorcommunity

1 day ago | [YT] | 1

Soral

Disclaimer: Superalink and Klook palang ang nagamit namin so far na eSIM sa mga travels namin.

Ito yun current comparison ng prices nila in Philippine Peso for Unlimited Data for 5 days at walang discounts:

Superalink: Php 646
Airalo: Php 1,200
Klook: Php 626
AGODA: Php 694
KKday: Php 548

To be honest, Superalink ang ginamit namin sa past 4 trips namin kasi mas nakamura kami sa discount code at walang naging hassle sa connectivity. Pero yun nga, available naman yun discount codes namin sa iba. Kaya kung saan kayo mapapalagay at makamura, siyempre, doon tayo. ☺️

#JapanTravel #JapanTips #JapanGuide #TravelTips #VisitJapanPH

6 days ago | [YT] | 0

Soral

Guys reminder lang, di po ako travel and tours agency o nag-wowork po doon. 😅

Nagshe-share lang ng murang deals para lahat tayo ay mas afford makapag-travel. ☺️

Anyway, you can check and book directly sa apps nila Cebu Pacific, Trip, Klook, AGODA, Air Asia, and etc. for your hotel and flight bookings para iwas din tayo sa mga manloloko.

Don't let someone book for you kahit gaano kamura pa yan. Book for yourself or go to accredited travel and tour agencies nalang po. Pag nagka-problem kasi kayo kawawa.

Very easy lang naman yun mga apps to navigate and always check din yun details and conditions before clicking that payment button.

Tapos sa mga nagtatanong kung magkakaroon pa ng sale, yes po, magkakaroon pa talaga yan. For reference, check niyo yun last picture at makikita niyo na nakapagbook ako ng Php 88 base fare sale last April 22, 2025 for our recent Kaohsiung trip.

At may sale pa para sa local travels niyo, may piso pa sa Clark Airport and sa mga taga Cebu, ang dami din palang sale sa inyo! TARA! ☺️

6 days ago | [YT] | 0

Soral

Kapag may seat sale, remember base fare lang ang kayang i-sale ng mga airlines.

For example, sinabi nilang piso sale. Piso ang Base Fare non pero yun mga taxes and fees ay hindi kasama sa sale.

Maawa naman tayo sa kanila, isipin mo kung piso lang talaga yun, sasagutin pa nila yun fuel ng eroplano para makapag-travel tayo. Lalo at may kaguluhan ngayon, sobrang lugi na sila kapag tumaas ang oil sa mga susunod na araw di ba? Kaya mapapansin niyo mas mahal ang sale ngayon kaysa sa past years dahil sa Fuel Surcharge na yan.

Tapos may mga service charge pa sa bawat airport. Kaya nagiging 2k+ sa local trips roundtrip yun Piso Fare. Hope this helps clarify the issue. ☺️

And by the way, madami pang piso sale sa local trips. Sa international ay kaunti nalang. And as usual, wag manghinayang kung di makakuha ng sale. Madaming sale pa yan in the coming months!

#seatsale #CebuPacificSeatSale #pisofare #traveltips #travelguide

1 week ago | [YT] | 2

Soral

TARA guys! Let's help her kung saan ba maganda pumunta for first timers sa Japan!

Kung ako lang, lagi kong nirerecommend yun Golden Route.

Tokyo - Osaka - Kyoto

Yan ang ginawa namin last 2019. Mga panahon na mura pa ang JR Pass kaya naikot namin ang Tokyo, Osaka, Kobe, Kyoto, Kanazawa, Shirakawa-go, Takayama then balik sa Tokyo.

Ngayon ibang pass na ang pwede mong gamitin para magawa ito which is yun JR Hokuriku Arch 7 Day Pass.

Yun mga nabanggit ko ay medyo touristy spots yan pero it is a tourist spots for a reason kasi maganda naman talaga.

Isa pang tip is to stay in Osaka than Tokyo kasi mas mahal accomodations sa Tokyo.

The rest of my tips ay para sa babalik na sa Japan eh. Kaya join our FB community nalang if may tanong kayo kasi nasagot talaga kami doon. ☺️

P.S: all of the pics are from 2019! Ang babagets noh? Hahaha!

#JapanTravel #JapanTrip #VisitJapanPH #SeatSale #Soral

1 week ago | [YT] | 2

Soral

Bigo sa Piso Fare kaninang 12MN? Meron pang natitirang pakonti konti! Kaso sa mga sikat na places like Tokyo, Osaka, at Seoul, don't expect na makakakuha pa kayo. Pero pag dating naman sa local trips, sobrang dami pang PISO fare!

If you missed out Japan and Korea, check niyo si Trip. com kasi mukhang pwede na yun mga deals niya tapos naka PAL pa kayo or ANA.

Tapos don't forget to book hotels agad na may pay later options lalo sa mga peak dates like Peak Autumn Foliage kasi pag check ko ay ang mahal na agad ng hotel kahit 8 months later pa! Grabe!

Pero to be honest kahit piso fare siya ay mas mahal siya sa past piso fare in my opinion kasi maybe because on the fuel surcharge due to ongoing situation ngayon. Kaya if may plans kayo to travel, better book na pero kung wala naman ay wag ma-FOMO. Chill lang kasi magkakaroon pa yan ng sale in the coming months.

Goodluck!

1 week ago | [YT] | 0

Soral

Bigo sa Piso Fare kaninang 12MN? Meron pang natitirang pakonti konti! Kaso sa mga sikat na places like Tokyo, Osaka, at Seoul, don't expect na makakakuha pa kayo. Pero pag dating naman sa local trips, sobrang dami pang PISO fare!

If you missed out Japan and Korea, check niyo si Trip. com kasi mukhang pwede na yun mga deals niya tapos naka PAL pa kayo or ANA.

Tapos don't forget to book hotels agad na may pay later options lalo sa mga peak dates like Peak Autumn Foliage kasi pag check ko ay ang mahal na agad ng hotel kahit 8 months later pa! Grabe!

Pero to be honest kahit piso fare siya ay mas mahal siya sa past piso fare in my opinion kasi maybe because on the fuel surcharge due to ongoing situation ngayon. Kaya if may plans kayo to travel, better book na pero kung wala naman ay wag ma-FOMO. Chill lang kasi magkakaroon pa yan ng sale in the coming months.

Goodluck!

1 week ago | [YT] | 0

Soral

Hindi ko alam kung paano kumikita yun hotel na ito. Na-book namin siya Php 2,800 per night tapos nagcheck ako sa ibang dates ay nasa Php 2,100 nalang siya per night for 2 with free buffet breakfast na yun!

Hindi lang yun.

Ganda ng room! Laki ng TV. Unli drinks and snacks na may unli ice cream din! 😱

Di ba? Ang mura! Downside lang ay nasa around 10 minute walk sa pinakamalapit na station pero sanay naman kami sa lakaran kaya ok lang. 😅

Check niyo itong Hub Hotel Kaohsiung Yisin Branch! ☺️

#HotelFinds #Kaohsiung #Taiwan #AmazingKaohsiung #Soral

1 week ago | [YT] | 2

Soral

Not very complicated ang train system sa Kaohsiung at sobrang easy ng buhay kung may EasyCard.

Tap-tap lang siya, parang Beep Card sa atin pero ang ganda dito, sobrang dali mag-reload at pwede pa gamitin sa convenience stores.

Binili pa namin itong EasyCard last Sept 2024 sa Taipei, at gumagana pa rin hanggang ngayon. Infairness, more than 1 year na nakatengga at ibang city na, no issues pa rin.

Sulit na sulit talaga. Highly recommended!

#kaohsiung #taiwan #traveltw #traveltips #travelguide

2 weeks ago | [YT] | 5

Soral

From higa sa bahay to 20k steps agad in 2 days! Hahaha! 😆

Infairness, di ganon ka-init maglakad. Presko ang hangin sa Kaohsiung. Sarap maglakad-lakad sa paligid!

Kaya dapat talaga nagtatravel para maging healthy eh, noh? Hahaha!

Sige, gaslight pa natin ang sarili natin para gumastos. Hahaha!

#kaohsiung #taiwan #travel #soral

2 weeks ago | [YT] | 4