ridersforlife🤙☝️

MUSIC, TOPIC, ADVENTURE.FOOD,AND MIX VLOGZ#GOD FIRST☝️☝️☝️


ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Naniniwala si Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso na malalampasan ang kasalukuyang krisis sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at ng mamamayan.

Binigyang-diin din ng alkalde na sa tuloy-tuloy na agarang aksiyon, episyenteng paggamit ng pondo, at aktibong partisipasyon ng bawat Manileño, patuloy na maipatutupad ang mga programang naglalayong maghatid ng ginhawa at pag-asa sa lungsod.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

1 hour ago | [YT] | 3

ridersforlife🤙☝️

ctto:Isko Moreno Domagoso fb.page:Sa pagtatapos ng araw ay naitala ng Manila Traffic and Parking Bureau ang 213,599 na pasahero ang ating natulungan ngayong araw sa pamamagitan ng 1,118 na mga jeep na bumiyahe ngayong araw, April 7.

Bukas, April 8 ay magpapatuloy ang ating libreng sakay para sa taumbayan. See you ulit bukas, mga Batang Maynila!

14 hours ago | [YT] | 11

ridersforlife🤙☝️

ctto:Isko Moreno Domagoso fb page:GOOD NEWS SA ATING MGA JEEPNEY DRAYBER!

Simula ngayong araw, April 7 ay ₱4,000 na ang matatanggap ng mga drayber ng jeep na kalahok sa programang Libreng Sakay Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Ito po ay dahil sa pagtaas nanaman ng presyo ng diesel simula ngayong araw. Upang mapangalagaan ang nauuwing neto ng ating mga drayber ay minabuti po natin na dagdagan ng ₱500 ang kanilang subsidy.

Makakaraos din po tayo, mga Batang Maynila mula sa krisis na ito. Sa ating pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa't isa ay makakaalpas din tayo dito.

1 day ago | [YT] | 9

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:As of 9:00 PM ngayong Abril 6, 2026, umabot na sa 194,325 pasahero ang natulungan ng programang Libreng Pamasahe ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Sa kasalukuyan, may 1,052 jeep ang aktibong bumibiyahe upang maghatid ng libreng serbisyo sa ating mga kababayan.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

1 day ago | [YT] | 13

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:#MakeManilaGreatAgain🤙☝️💙 MULING AARANGKADA ANG LIBRENG SAKAY SA MAYNILA

Muling aarangkada bukas, Abril 6, ang Libreng Sakay na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Upang makalibre sa pamasahe, tiyaking sumakay sa mga jeep na kabilang sa programa—may nakapaskil na karatula o tarpaulin na “This PUJ is provided for by the City of Manila. LIBRENG SAKAY”.

Ang Libreng Sakay ay mula sa mga taxpayers ng Maynila upang makatulong hindi lamang sa mga commuter, kundi pati sa mga jeepney driver, operator, at negosyante. Isang konkretong patunay na may gobyerno sa Maynila na umaagapay at kumikilos para sa mamamayan sa panahon ng krisis.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

2 days ago | [YT] | 18

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Sa gitna ng krisis, nanawagan si Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso sa lahat ng Manileño na iparamdam natin sa bawat isa ang pagmamahal, pang-unawa, at pagkakaisa.

Sa simpleng paraan, makapagbibigay tayo ng ginhawa at maiibsan ang hirap at pagtitiis na kinahaharap ng bawat isa.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

4 days ago | [YT] | 18

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Narito ang listahan ng mga isasarang kalsada at alternatibong ruta kaugnay ng gaganaping prusisyon ng Jesus Nazareno sa Biyernes Santo 2026.

ROAD CLOSURES
APRIL 2, 2026
7:00 PM

Paalala: Isasara ang ilang mga kalsada habang papalapit ang prusisyon.

1. Northbound and southbound lanes of Quezon Blvd. from A. Mendoza St./Fugoso St. to Quezon Bridge-Mehan Garden including C. M. Recto Ave. service road
2. Westbound lane of España Blvd. from P. Campa St. to Lerma St.
3. Stretch of S. H. Loyola St. from C. M. Recto Ave. to Bilibid Viejo St.
4. Stretch of San Sebastian St. from C. M. Recto Ave. to Bilibid Viejo St./San Rafael St.
5. Westbound lane of Legarda St., straight to P. Casal St. from C. M. Recto Ave. to C. Palanca St.
6. Stretch of San Rafael St./Bilibid Viejo St./Gonzalo Puyat St. from Quezon Blvd. (northbound)
7. Stretch of Arlegui St. from Legarda St. to Quezon Blvd. (northbound)
8. Stretch of C. Palanca St. from P. Casal St. to Plaza Lacson
9. Stretch of Paterno St. from Evangelista St. to Quezon Blvd. (southbound)
10. Stretch of Gonzalo Puyat St. from Evangelista St. to Quezon Blvd. (southbound)
11. Stretch of Evangelista St. from Paterno St. to Villalobos St.
12. Stretch of Carriedo St. from Plaza Lacson to Evangelista St.

REROUTING OF VEHICLES
1. Vehicles intending to use Quezon Blvd. coming from A. Mendoza St. shall turn right to Fugoso St., then turn left to Tomas Mapua St. to point of destination.
2. Vehicles coming from Quezon City using westbound lane of España Blvd. shall turn right to P. Campa St., straight to Fugoso St. or turn left to Nicanor Reyes St. (Morayta), then turn right or left to C. M. Recto Ave. to point of destination.
3. Vehicles coming from P. Burgos Ave. intending to use Quezon Bridge shall take Jones Bridge or MacArthur Bridge to point of destination.
4. Vehicles coming from Ayala Bridge intending to use C. Palanca St. shall go straight to P. Casal St./Legard St. to point of destination.
5. Vehicles coming from Sta. Mesa intending to use westbound lane of Legarda St. shall turn right to C. M. Recto Ave. to point of destination.

Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

5 days ago | [YT] | 12

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Mahigit 308,000 na pasahero ang napagsilbihan ng Libreng Sakay Program ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa loob lamang ng dalawang araw.

Isa itong malinaw na patunay na sa panahon ng krisis, ang pamahalaang may malasakit ay kayang kumilos agad, umalalay, at maghatid ng agarang ginhawa sa mas nakararami.

Noong Marso 30, umabot sa 129,665 ang mga benepisyaryong napagsilbihan, at nitong Marso 31 ay nadagdagan pa ito ng 179,070—na nagdala sa kabuuang 308,735 na riding public na natulungan ng programa.

Higit pa sa libreng pamasahe, ang programang ito ay konkretong hakbang upang maibsan ang pasanin ng mga commuter, mapanatili ang kita ng mga driver at operator, at masuportahan ang pag-ikot ng kabuhayan sa lungsod.

Pinatutunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na sa panahon ng krisis wala dapat maiiwan sa serbisyo, dahil sa Maynila, bawat biyahero ay mahalaga at bawat mamamayan ay dapat maalalayan.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

1 week ago | [YT] | 21

ridersforlife🤙☝️

ctto:Isko Moreno fb page:ABISO SA PUBLIKO: Wala pong libreng sakay sa April 1, 2, 3, 4 at 5, 2026 bilang paggunita natin sa Semana Santa.

Huwag naman po kayong mag-alala sapagkat ito ay magpapatuloy sa Monday, April 6.

Kami po ay mag-aabiso muli sa publiko para sa updated na ruta sa magpapatuloy natin ng libreng sakay sa April 6.

1 week ago | [YT] | 20

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:salamat sa dios🙏🤙☝️🇵🇭 💙 ₱3,500 na ang Araw-araw na Tulong sa Tsuper ng Manila LGU!

JUST IN: Inanunsyo ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na itataas sa ₱3,500 mula ₱3,000 ang araw-araw na tulong para sa sektor ng transportasyon sa ilalim ng Libreng Sakay Program ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Ang karagdagang ₱500 ay nakalaan upang makatulong sa gastos sa krudo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaang lungsod upang mabawasan ang pasaning kinakaharap ng mga tsuper at operator, habang nagbibigay ng libreng sakay para sa mga commuter sa lungsod upang kahit papaano ay maibsan ang kanilang gastos sa biyahe.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

1 week ago | [YT] | 7