ridersforlife🤙☝️

MUSIC, TOPIC, ADVENTURE.FOOD,AND MIX VLOGZ#GOD FIRST☝️☝️☝️


ridersforlife🤙☝️

ctto:Department of Tourism, Culture and Arts of Manila:DTCAM:Manila Summer Pride 2026 is officially hitting the streets on April 25!

It’s time to celebrate and shine with pride! The city is ready to welcome you with open arms. Let’s make the streets of Manila a canvas of love and advocacy!

Pride is always better when we’re together. Let’s fill every corner of the route with laughter, community spirit, and a whole lot of color.

Grab your flags and bring your friends!

#ManilaSummerPride2026
#ManilaMyManila

13 hours ago | [YT] | 10

ridersforlife🤙☝️

God always find a way🙏🤙☝️💙 ctto:MPIO:Umuulan muli ng biyaya sa Lungsod ng Maynila!

Lubos po tayong nagpapasalamat sa ating mga kaibigan mula sa pribadong sektor na sina Lauren Chua, presidente ng Lakeshore Merchant Corp.; Hans Walter Chua, CEO ng Simon Group; at Lufei Lim, CEO ng Greenthumb Precision Farm, sa kanilang patuloy na pakikiisa sa ating mga programang pangnutrisyon dito sa Lungsod ng Maynila.

Ang kanilang donasyon na 100 kahon ng gatas ay malaking tulong upang masiguro ang dagdag na sustansya para sa mga Batang Maynila, lalo na sa mga atabs at mga mahal nating lolo't lola na nasa Manila Boys’ Town.

Sa ganitong pagtutulungan, mas napapalakas natin ang ating mga programa at mas natutugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

14 hours ago | [YT] | 13

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, sa panahon ng krisis at aberya ay mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga lingkod-bayan upang maibsan ang bigat na nararanasan ng mamamayan.

Dagdag pa ng alkalde, ang mga lider ay binoto upang maglingkod, at nararapat lamang na isantabi ang pagkakaiba-iba sa kulay at partido at magtulungan para sa kapakanan ng mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

20 hours ago | [YT] | 23

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Bilang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga jeepney driver na boluntaryong nakiisa sa programang Libreng Sakay, makatatanggap sila ng tig-apat na pirasong Petron fleet card na may lamang ₱1,000 kada isa, o kabuuang ₱4,000 na fuel support na magagamit sa kanilang pamamasada.

Umabot sa 1,118 jeepney drivers ang boluntaryong sumali sa Libreng Sakay na nakapaglingkod sa halos isang milyong pasahero.

Ang kabuuang ₱4.9 milyong halaga ng fleet cards ay nagmula sa isang anonymous donor na may layuning makatulong sa sektor ng transportasyon sa lungsod.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

1 day ago | [YT] | 19

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Inilabas na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang ₱62.5 milyon bilang subsidiya para sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ang nasabing halaga ay sumasaklaw sa first quarter subsidy para sa taong 2026 bilang bahagi ng patuloy na suporta ng lungsod sa kalidad na edukasyon para sa mga estudyanteng Manileño.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

4 days ago | [YT] | 16

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Mga Batang Maynila, narito ang schedule ng FREE PUBLIC SWIMMING POOL sa Lungsod ng Maynila!

Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang libreng pasilidad para sa ligtas at masayang pagpapapresko ngayong tag-init.

Para sa kumpletong detalye ng schedule, tingnan ang post sa ibaba.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

5 days ago | [YT] | 12

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:NEWS ALERT: Isko Moreno pledges P25K subsidy to community bakeries to keep bread prices steady amid oil crisis

Manila City Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso gathered local community bakers at Bulwagang Bayan, Manila City Hall on Thursday morning, April 9, offering each participating community bakery a P25,000 subsidy from the city government in exchange for a commitment to hold the line on the prices of basic Filipino breads for the next 30 days.

In exchange, participating bakeries are expected to hold the line on prices for 30 days on essential Filipino breads — pandesal, pandilimon, monay, and Spanish bread, among others — the everyday staples that anchor the breakfast tables of ordinary Manila families.

The Mayor came to the meeting prepared, presenting the bakers with his own detailed cost breakdown showing that total production costs per sack of flour — including ingredients, electricity, water, and labor — climb to around P2,165, with 69% of that cost coming from flour and yeast alone.

He argued that by subsidizing flour and yeast, the city could give bakers enough breathing room to absorb rising costs without passing them on to consumers, particularly the working class and students who depend on affordable bread daily.

"Gusto kong matuto, kaya ko kayo pinatawag dahil gusto ko rin kayong tulungan, mga panaderya ng komunidad sa Lungsod ng Maynila," Domagoso told the assembled bakers.

The Mayor was emphatic about why he targeted bread prices specifically. "Ang pandesal is simbolo ng almusal ng pamilyang Pilipino — hindi 'yan pang-mahirap lang ha, pati mayayaman," he said.

Domagoso framed the subsidy not as a permanent solution but as a government cushion against the worst of the crisis, saying: "Lagapak tayo, pero 'pag bagsak natin, may alpombra man lang na binigay ng pamahalaan — hindi masakit na masakit."

He also drew a sharp distinction between Manila's community bakeries and large commercial chains, telling the bakers directly: "Hindi kayo Goldilocks, hindi kayo Clyde's — kayo mismo 'yung nasa community, the heart of the community."

Asosasyon ng Panaderong Pilipino (APP) President Chito Chavez, who has spent more than 30 years advocating for Filipino bakers, praised the Mayor warmly, saying: "Sa hinahaba kong naging panadero at sa mahigit 30 taon na tagapagsalita ng mga panadero, ngayon lang ako nakatikim na mayroong isang alkalde ng Maynila na ginawan kami ng pamamaraan para buhatin ang aming upuan."

#ManilaPIO
#AlertoManileño

6 days ago | [YT] | 8

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:Narinig at binigyang-solusyon ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang hinaing ng sektor ng mga panadero sa lungsod.

Nagpasalamat si Lucito “Chito” Chavez, Pangulo ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa agarang hakbang upang matulungan silang makabangon at maibsan ang bigat ng kanilang operasyon sa gitna ng krisis sa langis.

#ManilaPIO
#AlertoManileño

6 days ago | [YT] | 14

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:biliskilos talaga ni Yorme Isko Moreno💪🤙☝️🇵🇭💙 JUST IN: Manila LGU, magbibigay ng ₱25,000 economic assistance sa mga panaderya kapalit ng price freeze sa mga basic Filipino breads.

Sa pagpupulong ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso kaninang umaga, Abril 9, kasama ang iba’t ibang lokal na panadero sa Maynila, napagkasunduan ang pagbibigay ng ₱25,000 na tulong-pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod sa loob ng isang buwan, bilang suporta sa kanilang operasyon.

Kapalit nito, inaasahan na ang mga panaderyang lalahok ay hindi magtataas ng presyo ng kanilang mga produktong tulad ng pandesal, pan de limon, putok, at Spanish bread upang masigurong direktang makikinabang ang mga mamimili.

Layunin ng programa na matulungan ang maliliit na negosyo na maipagpatuloy ang kanilang operasyon habang nagbibigay ginhawa sa mga Batang Maynila sa gitna ng krisis.

-
E-jhay Clamor Talagtag
City Information Officer

#ManilaPIO
#AlertoManileño

6 days ago | [YT] | 11

ridersforlife🤙☝️

ctto:MPIO:BREAKING: 80,000 NA PAMILYA ANG MAKIKINABANG SA “BIYAYANG BIGAS SA MAYNILA”

Aabot sa 80,000 pamilya ang makikinabang sa “Biyayang Bigas sa Maynila,” isang bagong programa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na sisimulan sa Abril 16 at tatagal ng anim na buwan.

Sa pakikipagpulong sa mga lokal na panadero ngayong umaga, Abril 9, inanunsyo ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na 10 kilo ng bigas ang matatanggap ng bawat benepisyaryo sa naturang programa.

Ayon sa alkalde, hindi lamang sektor ng transportasyon ang saklaw ng programa kundi pati iba’t ibang sektor, kabilang ang service sector.

Isasagawa ang programa sa suporta ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF). Kabilang ang Lungsod ng Maynila sa mga benepisyaryo nito, na may nakalaang ₱286 milyon para sa implementasyon ng programa.

Layunin ng programa na makapagbigay ng dagdag na ayuda sa mga Manileño sa gitna ng kasalukuyang krisis, habang patuloy na sinusuportahan ang mga lokal na magsasaka.

-
E-jhay Clamor Talagtag
City Information Officer

#ManilaPIO
#AlertoManileño

6 days ago | [YT] | 11