Dumadanas ka ba ngayon ng pagsubok?
Dito sa aming Praise and Worship music channel, bawat kanta ay kwento ng pananampalataya na nagpapaalala na kahit kailan, hindi tayo pinapabayaan ng Diyos.
Nais naming itaas Siya sa bawat himig at ihandog ang musika na muling magpapaalab ng pananampalataya mo.
Dahil sa bawat pagsubok, may Diyos tayo na kumikilos sa likod ng lahat. 🙌
Praise and Worship Music Channel ph
Sa lahat po ng patuloy na nakikinig at sumusuporta sa mga awiting ginagawa namin para sa Panginoon, taos-puso po kaming nagpapasalamat.
Tunay po na kayo ay bahagi ng aming answered prayer, ang maibahagi ang mga kantang nagmula sa aming sariling pagsubok, panalangin, at paglakad kasama si Jesus. Nais naming maabot ang mas marami pang puso, na katulad namin, na dumaan sa bigat ng buhay ngunit napatunayan na ang Diyos ay tapat, hindi nagkukulang, at laging kumikilos sa tamang panahon.
Sa Panginoon po ang lahat ng papuri, pasasalamat, at karangalan.
Nawa’y sa bawat kantang ibinabahagi namin, ay kausapin din kayo ng ating Amang Diyos, magbigay ng lakas, pag-asa, at muling pagnanais na sumamba sa Kanya.
Pagpalain po kayo ng Panginoong Jesus.🙏
1 month ago | [YT] | 1
View 0 replies
Praise and Worship Music Channel ph
Alam mo ba kung paano nabuo ang kantang ‘Diyos ng Tagumpay’?
Sinulat namin ito sa panahong parang wala nang pag-asa… pero doon namin naranasan na kumilos si Lord sa tahimik na paraan.
Madalas di natin maintindihan ang mga dumadating na pagsubok sa ating buhay pero huwag na huwag natin kakalimutang may Diyos tayong pwedeng takbuhan at hinding hindi tayo iiwan.
Anong linya sa kanta ang pinaka-tumagos sa puso mo?
2 months ago | [YT] | 1
View 2 replies
Praise and Worship Music Channel ph
Dumadaan ka ba ngayon sa pagsubok?
Tara na at sabay-sabay tayong sumamba! At damhin ang presensya ng Diyos sa bawat lyrics ng kantang minsang nangusap sa amin at nagbigay pag asang nagmumula sa Diyos.
Handog namin sa inyo ang isang espesyal na Praise and Worship Playlist 2025 na puno ng mga awitin para magpalakas ng pananampalataya at magbigay-inspirasyon sa bawat araw.
Sama-sama nating itaas ang ating tinig at puso sa pagpupuri sa Panginoon.
Ano ang pinaka paborito mong kanta sa playlist na ito?
3 months ago (edited) | [YT] | 3
View 0 replies