Everyday with JESUS

Hi Everyone my name is Quincy saved by grace Welcome to my Channel Eveyday with JESUS🙏👑

The goal of this channel is to spread the word of God.😇

Anuman ang kahirapan, hamon, o sitwasyon na iyong hinaharap ngayon, ang lahat ng kasagutan ay iyong matatagpuan sa katauhan ni Jesus.

Proverbs 3:5-6
Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.


Everyday with JESUS

Natutunan ko na hindi pala sa mga ritwal, swerte, o paghahanap sa iba’t ibang bagay matatagpuan ang tunay na purpose at direction ng buhay.

Tunay nga na sa Panginoong Jesus lamang matatagpuan ang tunay na layunin, kapayapaan, at direksyon.

Gaya ng sinabi Niya sa Kanyang Salita:

John 14:6
“Sumagot si Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.’”

At sa gitna ng paghahanap ko, ipinakita rin sa akin ng Panginoon na hindi pala ako nawawala sa Kanyang paningin.

Isaiah 43:1
“Huwag kang matakot, sapagkat tinubos na kita; tinawag kita sa iyong pangalan; ikaw ay Akin.”

At ngayon, pinapaalala sa akin ng Panginoon na ang buhay na ito ay hindi na katulad ng dati.

2 Corinthians 5:17
“Therefore, if anyone is in Christ, the new creation has come: The old has gone, the new is here!”

Hindi ko kailangang hanapin pa ang sagot sa kung saan-saan, dahil kay Jesus natagpuan ko ang katotohanan, ang direksyon, at ang bagong buhay.

“All glory belongs to God.”
#Testimony #JesusChangedMyLife #NewLifeInChrist #Baptism

Special thanks to Jesus Is Alive CMNV Monumento for the video clip❤️

https://youtu.be/DFrV6kJod2c?si=KYGn5...

3 months ago (edited) | [YT] | 1

Everyday with JESUS

Sa John 19:17, makikita natin si Jesus na pasan ang krus—hindi lang kahoy, kundi bigat ng kasalanan natin.
Tanong: Ano mararamdaman mo kung yung Tagapagligtas mo nakapako sa krus?
Siguro sakit, lungkot, at guilt… pero higit sa lahat, pagmamahal.

Ano ba ang Good Friday?
Ito yung araw na pinili ni Jesus na mamatay para sa atin—hindi dahil deserve natin, kundi dahil mahal Niya tayo.

Sabi sa Romans 5:8, kahit makasalanan tayo, namatay si Christ para sa atin.
Sa 1 John 4:10, ito ang tunay na pag-ibig—siya ang unang nagmahal.
Sa Ephesians 1:7, dahil sa Kanyang dugo, may kapatawaran tayo.

At nung sinabi Niya ang “Tetelestai” (It is finished), ibig sabihin bayad na—tapos na ang utang natin sa kasalanan.

Kaya sa John 3:16, malinaw:
Mahal tayo ng Diyos kaya ibinigay Niya ang Kanyang Anak para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

Learning:
Good Friday is not just about death—it's about love, sacrifice, and victory.
Hindi tayo ang nagbayad—Si Jesus ang gumawa ng lahat.
Ang response natin? Tumanggap, magpasalamat, at mamuhay para sa Kanya.

Hindi mo kailangang ayusin muna ang sarili mo bago lumapit sa Kanya. Lumapit ka ngayon, kahit ano pa ang pinagdadaanan mo. Dahil mahal ka Niya—hindi dahil karapat-dapat ka, kundi dahil ganun Siya magmahal.

✨ Ngayon ang tamang oras.
Buksan mo ang puso mo at tanggapin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ng buhay mo.

Panginoong Jesus,
Inaamin ko na ako ay nagkasala at lumayo sa Iyo.
Humihingi ako ng tawad sa lahat ng aking kasalanan.
Salamat dahil namatay Ka sa krus para sa akin.
Tinatanggap Kita ngayon bilang aking Panginoon at Tagapagligtas.
Pumasok Ka sa puso ko at baguhin Mo.

5 months ago | [YT] | 3

Everyday with JESUS

“Hindi Tayo Naiiba sa Kanila”

Hindi ko ito ipino-post para takutin ka.
Hindi rin para i-condemn ka.

Kasi kung magiging honest ako…
👉 Dumaan din ako sa ganitong sitwasyon.

Minsan, mas hinahangaan ko ang mga bagay—
pera, mga bagay na nagbigay saya sa puso ko, pangarap, kakayahan—
kaysa sa Diyos na nagbigay nito.

Habang binabasa ko ang Wisdom of Solomon 13,
parang may kumakausap sa puso ko:

“Hindi ka naiiba sa kanila.”

Masakit… pero totoo.

Pero alam mo kung ano ang maganda?
👉 Hindi ito message ng galit—kundi ng pagmamahal.

Dahil kung hindi ka mahal ng Diyos,
hindi ka Niya paaalalahanan.

💛 Kung humahanga ka sa buhay mo ngayon…
huwag mong kalimutan kung sino ang dahilan nito.

📖 Swipe mo lang… basahin mo kahit paisa-isa.
Hindi ito basta salita—
baka ito na ang paalala na kailangan natin ngayon.

🙏 “Lord, tulungan Mo akong hindi makalimot sa Iyo, kahit gaano kaganda ang nakikita ko sa paligid ko.”

#Reflection #GodFirst #ReminderHindiCondemnation

6 months ago | [YT] | 4

Everyday with JESUS

📖Juan 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

👉 Ang Pasko ay hindi lang tungkol sa pagsilang ni Jesus, kundi sa dahilan kung bakit Siya isinilang — para iligtas tayo.

Lord Jesus,
salamat sa Pasko na paalala ng Iyong dakilang pag-ibig.
Salamat dahil Ikaw ang isinilang,
at Ikaw rin ang nag-alay ng buhay sa krus para sa amin.
Tulungan Mo kaming hindi lang i-celebrate ang season,
kundi alalahanin ang reason — Ikaw.
Ikaw ang aming pag-asa, kaligtasan, at buhay.
Amen.

8 months ago | [YT] | 1

Everyday with JESUS

Praise God for this opportunity! 🙌
Starting something NEW this year! Let's add something new! Mag negosyo tayo! 🙂 Sabi nga nila "Walang madadagdag kung wala kang idadagdag at walang mababago kung wala kang babaguhin" I AM SO EXCITED AND HAPPY TO TELL EVERYONE THAT FINALLY, I AM HAVING MY OWN DROPSHIPPING, REATILING and WHOLESALING BUSINESS! 🙂

Shop and Visit my websites:

FOOD BUSINESS
shop.siomaiking.ph/1112351328

HEALTH, BEAUTY and WELLNESS Business
shop.jcpremiere.com/1112351328

‼️Also Accepting LOCAL and INTERNATIONAL‼️
✅ Retailers and Wholesalers
✅ Consignments & Partnerships
✅ Online Dropshippers Worldwide
✅ Franchisee Partners

Send a message for more business details! 📥

#Wholesaling #Dropshipping #Retailing #WorldwideDropshippingBusiness #HouseOFfranchise #JCtoTheWorld #WorldwideExpansion #ERALISTAnation

1 year ago | [YT] | 12

Everyday with JESUS

Pls. Read. Gabayan Nawa po sana kayo ng Panginoon sa 2025!

Numbers 6:24-26
The Lord bless you and keep you;
The Lord make his face shine on you
and be gracious to you; The Lord turn his face toward you and give you peace.”🙏🤍

📣2025🎆🎇
Sa pagtatapos ng taon 2024, Sigurado marami sa atin ang abala na sa paghahanda ng mga bagay para Swertehin sa darating ng bagong taon.
Hi my name is Quincy and yes isa ako sa mga gumagawa at naniwala dito Noon. Busing busy tayo sa paghahanda sa mga bagay na Akala natin magbibigay kasaganahan, magandang pasok ng pera, proteksyon, magandang kalusugan, masayang pamilya, new opportunity, breakthrough, bagong bahay, bagong negosyo, lumago ang negosyo, binibuild mo yung sarili mo na makilala ka ng tao, pag gamit ng mga Pampaswerte, o mga Lucky Charm to attract good luck money, pag sunod sa mga sinasabi ng fengshui o mga tarot at kung Ano-ano pa.(🤷‍♀️kahit na ba sabihin natin na Nagdarasal tayo.. 1 Corinto 10:21 “Hindi tayo maaaring makiinom sa baso ng Panginoon at sa baso ng masasamang espiritu, at hindi rin tayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng masasamang espiritu.”)

Napakarami po ano??.. Pero alinman sa mga ito kasinungalingan lahat ng ito may Kapalit may Burden. Masasabi natin na “Wow totoo nga magkapera ako! O Wow totoo nga tuloy-tuloy ang pasok ng pera” Pero alam nyo rin po ba na ito ay patikim lang ni Satan. Pain nya sa mga Tao na mahal ng Diyos. Ang totoo nyan galit si Satan sa mga tao dahil mahal tayo ng Diyos. Lahat ng pandaraya gagawin niya Huwag lang malaman ang katotohanan at malayo sa may Likha sa atin. Ang Amang Diyos. Pero may maganda akong balita sayo Kapatid alam mo bang Times Up na si Satan kasi katulad ko kung paano minulat ng Panginoon sa Katotohanan, tinawag nya ako para hindi ipamukha ang aking mga kasalanan kundi para malaman kong mali ang aking mga prinsipyo, paniniwala at mga gawa. Tinawag nya ako para bumalik na sa Kanya dahil sa Kanya Ako, sa Kanya Tayo. Mahal tayo ng Panginoon kapatid. (Isaiah 43) Kaya ngayong 2025 Huwag kang papayag o Huwag mong hayaan ang Sarli mo na MADECIEVE, MALOKO, MALINLANG at HINDI MALAMAN ANG KATOTOHANAN. Nag-iisa lang ang kailangan mo dahil mas higit ang maibibigay ng PANGINOON kesa sa maibibigay ng mga Panandalian sa Mundong ito. nasaiyo ang Desisyon.

📖Jeremiah 29:11
11 For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Panalangin:
Panginoon namin Diyos na may gawa ng langit at lupa. Salamat po at kami ay nagpupuri sa iyong walang katapusang awa at pagpapala. Tunay na Napakabuti at Napakadakila mo at ng iyong mga gawa. Panginoon patawad po sa aming mga pagkakasala sa puso isip at gawa. Mga bagay o paniniwala na ginagawa namin na akala namin ay tama patawad po. Kami po ay lumalapit sa iyo at nagpapakumbaba imulat mo po at patuloy na imulat sa katotohanan gamit ang iyong mga salita. At upang malaman namin ang iyong kalooban. Bigyan mo kami ng Karunungan at Pang-unawa na maiintindihan ang iyong mga salita at kalooban. At bigyan mo kami ng kalakasan para masunod ang iyong kalooban. Ikaw ang maghari at magliwanag sa buhay ng bawat isa sa amin. Aking panalangin sa Dakilang Pangalan ng iyong Anak na si Jesus at sa Kanyang Kapurihan Amen!🙌🏻👑❤️‍🔥

1 year ago | [YT] | 4

Everyday with JESUS

Merry Christmas! 🎉🤍

John 3:16
For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.

Christmas is that Jesus Christ is a gift from God to humanity, and that those who believe in him will have eternal life:

* The gift of Jesus Christ God gave his only son to the world as a gift of love, and to save humanity from sin.

* Eternal lifeThose who believe in Jesus Christ will have everlasting life in heaven.

* Free gift The gift of Jesus Christ is freely given to anyone who chooses to accept it.

* Love The true meaning of Christmas is love, and God's gift of Jesus Christ enables us to love one another.

Timothy1:15 This saying is trustworthy and deserves to be fully accepted: Christ Jesus came into the world to save sinners, and I am the worst of them all.

Accept Jesus. Receive your gift.
John 14:6 Jesus answered, “I am the way and the truthand the life. No one comes to the Father except through me.

#Jesusisthereasonfortheseason #JesusIsTheWayTheTruthAndTheLife

1 year ago | [YT] | 2

Everyday with JESUS

Kapag pinahiling ka ano ang gusto mong matangap na regalo ngayong pasko, ano kaya ito?? Pero merong isang regalo na matatangap ka at ito’y panghabangbuhay na at hinding-hindi mawawala sayo, pero dapat Ingatan mo ahh☝️ Cge watch mo na🥰 Excited ako para sayo🥰 God Bless You❤️

1 year ago | [YT] | 3