Baker Mom


PEPAY

Ako si Ms. M, 36 years old. Dalaga pa ko, wala ding boyfriend, kakahiwalay lang. Dala siguro ng
trabaho ko kaya di nagtatagal ang mga nakakarelasyon ko. Mahigit sampung taon na ko sa
trabaho. Isa akong Project Engineer sa isang construction firm dito sa P*****n. Di ko na
babanggitin kung anong pangalan ng company at saan lugar kami dito sa P*****n.
Sa sampung taon marami na kong project exposure. Nakagawa na kami ng kalsada, building ng
schools, mga opisina ng ibat-ibang sangay ng gobyerno, mga renovations public and private
pero ang kadalasan mga drainage system naaassign sa amin o nakukuha naming project.
Tama kayo ng iniisip involve kami sa mga projects ng DPVVH. Malakas kasi sa taas ang Boss ko,
tawagin na lang natin sya sa pangalang Engr. A. Si Engr. A ang tipo ng taong kahit pano patas
lumaro, sa aming mga Engr. sa company alam naming lahat na talamak talaga ang lagayan sa
DPVVH, Mayor man o Congressman meron talaga yan 10% lang yan noon, yan talaga ang
kalakaran, pero dumoble yan nung Covid days at ngayon 35-40% na, lomobo talaga. May mga
players kasi na politiko ang may-ari, kapag di namin tinaas yan wala kaming makukuhang
projects.
Ang pagkakaalam ko kahit ganyan ang sistema, mababawasan lang ng konte ang kita nmin pero
kaya pa rin namin trabahuhin mga projects at magawa ng nasa standard ng gobyerno. Pero mali
pala ko.
Isang gabi matapos akong gabihin sa opisina, tinapos ko kasi isang report nmin sa isang project.
Naiwan ko laptop ko sa conference room na katabi ng opisina ni Boss A. Tahimik ang hallway di
ko alam may bisita pala sya ng mga oras na yun. Habang papalapit ako, unti-unti kong naririnig
ang usapan ng dalawang tao, at dala na rin ng pagkamarites ko, habang papalapit ako dahan
dahan naman ang mga yapak ko sa sahig hanggang nakalapit na ko at rinig na rinig ko na ang
kanilang usapan.
Lalaki: “May nakita ang COA, yung bata mo na nagresign nakaraan mali-mali ang report, nakita
mo ba yung report?”
Engr. A.: “Oo, sinama pa ng P**** I*** yun yung mga dokumentong hindi dapat kasama.
Mahihirapan tayong lusutan yun! Sobrang laki ng discrepancy kahit ioverprice natin mga
materyales di aabot at lalo tayong sasabit”.
Lalaki: “Mahirap pa nyan kapag di sila satisfied sa dokumento nyo na sisilipin pa nila ang iba
pang mga projects.”
Engr. A: “Kailangan natin ng sacrificial lamb. Wala tayong choice. Isang tao o buong company at
maaari pa kong makulong.” P**** I*** talaga!
Lalaki: “So, sinong sasakripisyo mo?”
Engr. A.: “Si Ms. M. Sya lang babae natin sa grupo. Mahina loob nun di kayang lumaban. Isa pa,
wala pang pamilya yun, dalaga at bata pa yun makakakuha pa ulit ng ibang trabaho yun. Higit sa
lahat di nya alam dumi ng kumpanya natin.”
Parang akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginginig na ko. Dahan-dahan na ko umatras
sa mga oras na yun, di ko mapaliwanag nararamdaman ko. Umuulan ng gabing yun dirediretso
lang lakad ko hanggang marating ko sasakyan ko kahit basang-basa pasok agad diretso uwi.
Kinabukasan, nagsimulang lumitaw ang mga senyales.
Nag-email ang accounting department, humihingi ng mga voucher na hindi ko maalalang
pinirmahan ko. Isang messenger ang nag-abot ng sobre na may tatak na Confidential—sa loob
nito, mga kopya ng resibo at project overruns, lahat may pirma ko, ngunit malinaw na peke.
At sa paligid, nagsimula na ang bulungan.
“Si Ms. M. raw…”
“Kasama daw siya sa overpricing.”
Unti-unti, naramdaman ko iniiwasan na ko ng mga katrabaho ko. Para bang may kasalanan ako
kahit wala pa kong sinasabi.
Alam kong nagsimula na ang plano ni Boss: Gagawin akong scapegoat.
Pag-uwi na pag-uwi ko. Imbes na magpahinga ako, binuksan ko ang lumang laptop at nag-login
sa mga database ng kumpanya. Doon nagsimula ang tahimik kong imbestigasyon.
Una kong binuksan ang financial statements ng tatlong huling projects. Napansin ko agad ang
pattern: laging may parehong subcontractor na nakasulat—isang kumpanyang may pangalang
G**** E**** Trading. Nagpapadala ito ng construction materials sa halos lahat ng projects,
pero ni isang tauhan nito o truck o kahit anong sasakyan ng kumpanyang yun kahit minsan.
Hinanap ko address ng kumpanya. Ang nakalagay sa dokumento ay isang opisina pero nung sa
Google Map, laking gulat ko, karinderia nakatayo sa lugar.
Ghost company.
Sunod ko binuksan ang mga blueprint at site reports ng isang highway project. Ayon sa papeles,
may inilagay na drainage system sa gilid ng highway, na nagkakahalaga ng ₱35 milyon. Pero sa
pagkakatanda ko sa site visit ko sa lugar isang buwan na ang nakalipas, wala kahit isang kanal o
drainage na nakita ako doon.
Binuksan ko ang photo logs at mga attachments na kuha ng site engineers. Wala ring drainage.
Pero sa report na ipinasa sa DPVVH, malinaw na nakasulat: Completed drainage works, 100%.
At ang pumirma? Nakalagay ako! Pekeng pirma ko. Buti na lang yung date ng pirma, yun ang
date na nasa Cebu ako! Sobrang pagpapasalamat ko talaga napakabait pa rin ni Lord.
Hindi pa ko nakuntento. Naghanap pa ko ng isa pang dokumento na pdeng gamitin para ibagsak
ang company. May isang resibo akong nakita nag-deliver ang supplier ng 2,000 cubic meters ng
graba sa site sa Kahapon lang nakalagay yung mismong address kung saan binagsak. Pero alam
ko walang delivery, dahil dumaan ako sa site nung kahapon bago umuwi. Kaya kinabukasan din
kahit wala pang tulog pumunta ako sa site nagvideo, nagpicture at sinuguro kong na sa videos
at picture ang date ng mga kuha ko.
Habang tumatagal, mas lumilinaw: planado at sistematiko ang pandaraya. Hindi lang simpleng
padding ng presyo—ito ay ghost deliveries, ghost projects, ghost companies.
Sinimulan kong kolektahin ang lahat ng ito. Kinopya ko ang mga email threads, receipts, at
mismatched reports. Lahat nilipat niya sa isang flash drive. Habang ginagawa ko ito, ramdam ko
ang pawis sa king batok, ang kaba sa dibdib. Para akong magnanakaw sa sariling kong opisina,
ngunit ang ninanakaw ako ay katotohanan. Katotohanang magsasalba sa kin.
Pagkaraan ng ilang araw, pinatawag ako ni Boss A.
“Ms. M,” sabi nito, may ngiting malamig, “lagi kitang pinagkatiwalaan. Pero may nakita ang
auditors. Mga iregularidad… galing mismo sa mga approval mo.”
“Hindi ko pinirmahan ang mga iyon, Boss.”
Ngumiti lang si Boss. “Minsan, perception ang mas mahalaga kaysa sa katotohanan. Kung
makikisama ka—manahimik ka lang—malalampasan mo rin ito. Pero kung lalaban ka…” Tumigil
siya, iniwan ang banta sa hangin.
Para bang sinasabi nitong wala akong laban.
Nung araw din na yun. Sa isang maliit na café, nakipagkita ako sa isang investigative journalist
na nakilala ko minsan sa isang Project launch. Tahimik silang pumwesto sa pinakasulok.
Mula sa bag ko, dahan-dahan kong binigay ang maliit na flash drive.
“Lahat ng ebidensya, nandito, ikaw na bahala. Mga pekeng resibo, ghost projects, forged
signatures. Pero… kung lumabas ang pangalan ko bago ang katotohanan, tapos na ako.”
Journalist: “Kung totoo lahat ito, Maria, isa ito sa pinakamalaking iskandalo ng kompanya nyo at
DPVVH.”
Ms. M. “Kailangan malaman ng tao ang totoo… pero hindi ko alam kung anong kapalit. Kaw na
bahala.”
Tumayo na ko at umalis.
Ngayon na sa NBI protection program ako ginawa akong witness. Hindi ko alam kung anong
mangyayari sa kin pagtapos nito, pero bahala na, sabi nga ni Boss A. Wala naman akong pamilya.
#confessions #yourdailyconfessions #Corruption

3 months ago | [YT] | 1

PEPAY

Breastfeeding Mom be like..

3 years ago | [YT] | 3