BARANGAY101
youtube.com/channel/UCNtXxicseLKyTdjG7BdHGDA
Ikaw at Barangay ay isang lugar dito sa mundo ng socmed upang ipaalam ang mga napapaloob na mga gawain na may kinalaman sa barangay ito man ay pagpapatupad ng mga regulasyon at iba pa. Maari din dito magbigay ng opinyon o suhestiyon na maaaring makatulong para lalong mapag-ibayo ang pagsasamahan ng pamayanan at pamunuan sa barangay tungo sa isang matagumpay na komunidad. Tara sali na po kayo at makialam!
IKAW at BARANGAY ni BRGY SEC. EMOG
JAYBOY MAGDADARO: Isang BAYANI!!
Nakakatuwa na meron pa rin tayong mga kababayan na handang magsakripisyo o magbuwis ng buhay para lang makatulong sa kapwa.
Hindi sa ano pa mang bagay ang dahilan kung bakit ginawa nitong batang si Jayboy Magdadaro, 15 taong gulang mula sa liloan cebu ang suungin niya ang baha upang tulungan ang mga stranded na kababayan upang maalis sa tiyak na kapahamakan.
Noong una ay kasama niya ang kanyang mga kaibigan katulong ang tatay nito gamit ang bangka ay nag umpisa silang sagipin ang mga kababayan. Mga ilang oras ang lumipas, napagod marahil ang mga kaibigan. Sila ay umalis at naiwan itong si Jayboy. magisa at magpatuloy sa kaniyang ginagawa na iligtas ang mga kababayan niyang nangangailangan ng tulong.
Ito ang dapat na tularan ng kanyang kapwa kabataan. Hindi man sa parehas na paraan. Marami ang maaaring gawin sa iba't ibang kaparaanan upang makatulong sa ating kapwa.
Kay Jayboy, ituloy mo lang ito. Isa kang likas at mabait at may puso kaya ginawa mo ito. Tiyak ko si Lord ang gagabay sayo basta samahan mo lang ng panalangin at pagtitiwala sa kanya.
Ang mga natanggap mo na matreyal ay isa lamang pagkilala sayong kabutihang nagawa. Hindi mo ito inaasahan dahil bukas sa loob ng iyong puso ang pagtulong. Gamitin mo ito kung saan ay makakabuti sayo. Laging magiingat, tandaan mo hindi ka superhero, pero sa puso at isipan ng lahat ikaw ay isang bayani!.
2 months ago | [YT] | 1
View 1 reply
IKAW at BARANGAY ni BRGY SEC. EMOG
ANG PAGMAMAHAL NG MAGULANG SA KANYANG MGA ANAK!!
Ang saya ng puso ko kapag nakikita ko ang aking mga anak ay natutuwa sa ginagawa ko bilang kanilang magulang.
Oo nga naman, sino ba ang uunawa at tutulong sa mga anak mo sa tuwing sila ay may suliranin, kundi ang magulang. Hindi matitiis ng magulang ang anak sa oras ng kagipitan. Ito ay palasak ng kasabihan.
Ang sarap ng pakiramdam ng isang magulang na nakakapagbigay ng ngiti sa labi ng mga anak ko.
Tama, may mga pagkakataon na hindi lahat naibibigay mo sa kanila sa kadahilang kapos ka sa pangangailangan. Pero dahil nakikita mo na ito lang ang mga bagay na magpapangiti sa kanila, kaya' t gagawin mo ang lahat maibigay ito na hindi alintana ang sinuong mong sitwasyon maipagkaloob mo lang ito sa kanila. Ang mahalaga naibigay mo ang isang bagay na gusto nila.
Hindi ito luho, ito ay tunay na pagmamahal. Ang makitang masaya ang mga anak mo. Wala ng papalit pa sa ligaya na madarama ng isang magulang sa kanyang anak na nakikita mong nagsisikap para sa kanyang kinabukasan.
Sa mga anak ko, ituloy niyo lang ang mga hangarin niyo sa buhay. Tandaan ninyo hindi ako ang uukit sa inyong kinabukasan, kung hindi ang mga sarli niyo. Andidito lang ako para sa inyo, sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal ko ang bawat isa sa inyo. Patuloy na magsumikap. Hindi ito para sa akin, kundi para sa mga sarili niyo.
2 months ago (edited) | [YT] | 1
View 0 replies
IKAW at BARANGAY ni BRGY SEC. EMOG
GARAPALANG KORAPSIYON SA PAMAHALAAN. MATULDUKAN PA KAYA ITO?
Tila nakakapanlumo na itong nangyayari sa ating gobyerno. Tila bagang wala na silang kinatatakutan. Garapalang korapsyon ang nangyayari. Harap harapan. May sulosyon pa kaya ito. O masasawata pa ba ito. Trilyon ang pinag-uusapan sa korapsyon na nangyari sa DPWH at magpahanggang ngayon ay wala pang napaparusahan. Pero imbistigasyon, na kapag kakampi ang iimbistigahan, daming palusot pero kapag kalaban didikdikin pero hanggang duon lang. Ang maliliit, konting pagkakamali lang, walang imbistigasyon pero nakukulong agad. Hindi patas ang labanan.
Nasunog o sadyang sinunog ang tanggapan ng DPWH. Ano ang sinasabi, hindi raw maapektuhan ang imbistigasyon sa flood control projects dahil wala naman daw doon ang mga dokumento magpapatunay sa mga ginawang pandarambong nitong mga opisyales ng DPHW.
Hanggang kelan mapapatunayan kong nasunog nga ba o sinunog ang nasabing tanggapan. Ito ba ay isang uri na naman ng pagtatakip upang malihis ang atensyon ng tao sa tunay na issue sa korapsyon. Magkakawing ang dalawang ito. Ang sunog at ang korapsyon. Ano ang unang mareresolba? At hanggang kelan ito mareresolba?
Abangan na lang po natin ang mga kaganapan!!!!
3 months ago (edited) | [YT] | 2
View 1 reply
IKAW at BARANGAY ni BRGY SEC. EMOG
PUREGOLD BARATILYO CARAVAN SA BRGY. 178 SONA 19, MARICABAN, PASAY CITY #barangay #puregold #baratilyo #caravan #barangayproject #barangayinitiative
4 months ago | [YT] | 2
View 0 replies
IKAW at BARANGAY ni BRGY SEC. EMOG
Our interface discussion with DILG -Pasay for the Topic Leave of Absences of Barangay Officials!! #barangay #followers #viewers #subscribers
5 months ago | [YT] | 1
View 0 replies
IKAW at BARANGAY ni BRGY SEC. EMOG
TULOY PO KAYO SA ATING TALAKAYAN DITO SA IKAW AT BARANGAY!!!
Isang mapagpalang araw sa ating lahat mga katoto. Itong channel na ito ay ginawa ko upang maipaalam sa abot ng aking kakayanan ang mga gawain o tungkulin ng isang pamunuan sa barangay. Dito po pag uusapan po natin ang mga katanungan tungkol sa mga gampanin ng ating mga halal na barangay sa kanilang nasasakupang barangay.
Karapatan po ng bawat mamamayan malaman ang mga ginagawa kung meron man para sa ikakabuti ng pamayanan ang mga barangay officials.
Kaya't tara na. Samahan niyo po ako sa kwentuhang ito patungkol sa barangayan.
Maraming salamat po. Mabuhay po tayong lahat!!!
6 months ago (edited) | [YT] | 1
View 0 replies