CHRIS KUSINERO ADVENTURES CHANNEL is all about the food, the life, the fun, the craziness, the adventures and the happiness I experience here in Canada and other countries.. Sharing it to all of you to make you happy everytime. I love you all.
Please Follow:
Facebook Page: Chris Kusinero ATBP
Chris Kusinero Daily
IG: Chris Kusinero IG
Tiktok: Chris Kusinero
Twitter: Chris Kusinero
Chris Kusinero Adventures
Back in Turks and Caicos Island, 2007
Tito Mango Tito Epi and Chris Kusinero
5 days ago | [YT] | 66
View 9 replies
Chris Kusinero Adventures
Exactly 20 years ago. Batang bata pa si Tito Mango at Chris Kusinero dyan.
2 weeks ago | [YT] | 105
View 26 replies
Chris Kusinero Adventures
Salamat mga kaberks sa walang sawa nyong panonood ng mga adventure vlogs ko. Simple lang ako mag vlog pero andyan kayo para sumuporta. Maraming maraming salamat po.
❤️❤️❤️❤️❤️❤️
3 weeks ago | [YT] | 68
View 15 replies
Chris Kusinero Adventures
Nag start lang ako sa word na HOW?
Wala akong kilala maski isa. Wala akong idea what is Canada. Basta ang alam ko may snow at malapit sa 'Merika.
Nag apply ako pa Canada. Inabot ng mahigit 2 years and processing ng papers ko. Akala ko nga scam dahil sa tagal. Yung iba ngang mga kasamahan ko sa work, pinag tatawanan ako na peke daw ang inaplayan ko. Wag na daw ako umasa.
Hanggang isang araw dumating yung visa ko pa Canada. Taong 2008. One day yun bago dumating ang pinaka malakas na bagyo noon na na si HURRICANE KATRINA.
Naalala ko pa nga, nag shopping ako sa thrift store para bumili ng jacket boots at hoodie. Kailangan pala talaga yung ganung damit kasi nga malamig talaga ang winter. Eh galing ako ng Caribbean noon, tropical place, kaya puro t-shirts at shorts lang mga dala ko.
Starting salary ko noon bilang cook sa TONY ROMAS sa BANFF, $12.50 per hour. Pero may tip pa yun.
My apartment is $500 per month lang nun. Kasi nga parang under ng BREWSTER ang Company namin noon. Kaya libre kami kahit araw araw mag gondola. Mag Ice field tour, at kung ano ano pa.
Pero wala ng TONY ROMAS sa BANFF ngayon napalitan na ng... BRAZEN ba yun?
Anyway, hindi pa uso ang mga info sa social media noon. Pero nag try ako. Wag ka matakot. Pag nag fail, eh di apply uli. Nag fail ulit? Apply ulit. Ayaw talaga? Then try other ways. Try mo naman ang plan B. Plan C o hanggang plan Z.
Kung ayaw sa Canada, try mo sa Europe. Sa Australia, sa Hongkong, Taiwan, Saudi, Dubai.
Then gather more experience and after few years, back to plan A. Apply ulit pa Canada. It doesn't stop there. Malay mo this time para sayo na talaga.
DONT STOP.
-Chris Kusinero
#kaberks #canada #inspire #experience #life
4 weeks ago | [YT] | 82
View 17 replies
Chris Kusinero Adventures
Isang taon palang si Angelo noon ng magpaalam ako na mag a abroad.
Ayaw ko talagang umalis pero kailangan dahil ang mahal ng gatas nya. S26 to Anchor to Birch Tree, kailangan nya ng masusustansyang gatas noon, dahil pinanganak si Angelo through Caesarean/Cesarean section. Tama, biglaan ang kanyang paglabas sa mundo dahil kinailangan. Kaya na incubator sya noon para maayos ang kanyang paglaki.
Isang reason din ang kahirapan namin kaya nagdesisyon na ako na mahiwalay sa kanilang mag ina.
Nakarating ako sa Dubai, Turks and Caicos and Canada.
Mahabang panahon na hindi ako nakabalik sa Pilipinas.
Muli kaming nagkita ni Angelo 15 years old na sya. 14 years na hindi ko man lang nayakap ang anak ko. Yung panahon na nakapaglakad sya, nakapagsalita ng Papa, o mga panahon na natutong mag bisikleta, umakyat sa puno o pumasok sa school, wala ako sa tabi nya.
Mama nya, mga Lolo at Lola, Tito at Tita ang naging modelo nya habang lumalaki.
Pag nakikita ko lahat ng medals nya sa school, siya ang may pinaka maraming medal everytime na gruma graduate sya, pero maski isa doon wala akong naisabit sa kanya.
Marami akong regrets. Marami akong what if?
Paano kung hindi nalang sana ako nag abroad...
Hanggang sa lumaki na nga ang anak ko, everytime na mag uusap kami noon sa phone, palagi kong sinasabi sa kanya na hindi mo kailangang maging pinaka magaling sa klase. Basta wag ka lang magluluko sa pag aaral at yung makatapos ka sa highchool okay na ako.
Alam nyo ang ginawa nya? Lalo syang na inspire para maging pinaka magaling sa klase.
Humabol sya ng Presidente ng Students School Officers. At nag landslide nga na siya ang nanalo.
Naging newspaper photographer din sya. Isinasali sa mga Provincial and City competition ng school.
Hanggang sa nag graduate na nga siya sa highschool at nakamit ang pinaka mataas na karangalan bilang Valedictorian.
Lahat ng ginusto ni Angelo, nakamit nya. Pinatunayan nya sa akin yung salitang "kahit wala ka sa tabi ko Papa, kahit hindi ako lumaki katabi mo, maipagmamalaki mo ako."
Yung maging mabuti kang anak at tao, anak, yun ang patunay na nakamit mo ang tagumpay. Patuloy lang tayo na nakatapak sa lupa. Palagi lang tayo maging humble. Patuloy ka na mangarap.
Basta tandaan mo anak, sa buhay ngayon, hindi lang ang pinaka mayaman o pinaka magandang bahay ang panalo. Panalo din ang pinaka masaya. Masayang buhay kahit hindi mayaman, panalo rin. Palong palo ika nga.
Basta always be You.
Listen to every critiscism from others, but adopt and absorb, only those words from others that will help you to grow.
I Love You
-Papa
#angelo #inspire #inspiration #life #canada #kaberks
1 month ago | [YT] | 109
View 21 replies
Chris Kusinero Adventures
1 month ago | [YT] | 253
View 67 replies
Chris Kusinero Adventures
Mga magkakaberks sa Caribbean Islands at nakarating ng Canada.
4 months ago | [YT] | 133
View 12 replies
Chris Kusinero Adventures
🙂❤️
4 months ago | [YT] | 68
View 7 replies
Chris Kusinero Adventures
Bakit daw di ako nahihiya sa hitsura ko at ang lakas ng loob ko mag vlog.
Wala naman akong tinatapakang ibang tao at masaya naman ako sa ginagawa ko. Kung pwede lang maging pogi matagal ko ng ginawa. This is me, so accept and love who you are. PERIOD.
4 months ago | [YT] | 95
View 55 replies
Chris Kusinero Adventures
Nagsimula akong mag trabaho, 17 years old palang ako noon. High School lang natapos ko ng mga panahon na yun ng mag decide ako na makipag sapalaran sa Maynila.
Naging Security Guard, Bagger sa SM, Bagger sa Gotesco Grand Central, Factory Worker sa Grosby Shoes, S and J industries, Manly Industries, hanggang nag decide ako na mag aral sa College sa UE Manila.
Hindi ko rin natapos ang kurso ko sa College dahil mahirap na pag aralin mo ang sarili mo sa kolehiyo. Nag isip ako ng mas mabilis na paraan para maka hanap ng trabaho. Sa Pilipinas man o sa ibang bansa.
Nag aral naman ako ng Culinary sa IHRS sa may Ortigas malapit sa POEA, ISCAHM na sya ngayon sa may malapit sa Ateneo.
Ng maka graduate, nag work ako sa Dubai.
Sa Caribbean.
Hanggang sa mag apply ako pa Canada.
Hindi naging madali ang lahat. Marami akong naging ups and downs. Maraming nangyari sa buhay ko. Pero lahat yun nagpatatag sa pagkatao ko.
Kung may makakatulong sayo, hindi masamang humingi ng tulong sa iba.
Pero kung walang ibang tutulong, mag isa ka na gagawa ng paraan para sa mga pangarap mo. Panonoorin ka ng marami. Kung kaya mo ba talaga? Magtatagumpay ka ba o babagsak?
Kaya nga madalas na sinasabi ko sa mga vlogs ko, walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo.
Kaya naman, umpisahan mo na Kaberks. Wag ka umasa sa iba.
-Chris Kusinero
5 months ago | [YT] | 119
View 21 replies
Load more