DZRH Digital

‘LET’S NOT BE HARSH ABOUT MANONG BENNY’

Pinagtanggol ni House Prosecutor Zia Alonto Adiong si Manila 6th District Rep. Benny Abante matapos dalawang beses na makatulog habang nasa gitna ng isinasagawang impeachment trial ngayong linggo.

Ayon kay Adong, dala lang ng katandaan kaya hindi sinasadyang makatulog si Abante sa loob ng korte. Pero tiniyak naman ni Adiong na passionate at masipag si Abante sa trabaho niya.

“Lahat naman tayo may lolo… Let’s be humane about our comments on a senior citizen,” saad ni Adiong. | DZRH News

1 day ago | [YT] | 12

DZRH Digital

‘HINDI ITO PANGHUHUSGA’

Sinabi ni PCO Usec. Claire Castro, hindi hinuhusgahan ng Palasyo kung nagsasabi ng totoo si Mayor Baste Duterte o kung pinoprotektahan lamang nito ang kanyang kapatid.

Gayunman, binigyang-diin ni Castro na hindi sapat na dahilan ang pagsasabing “walang alam” upang makaiwas sa pananagutan ang isang public official.

Aniya, may tungkulin ang mga lider na maging impormado sa mga transaksyong sakop ng kanilang nasasakupan. Maaari umanong umiral ang Arias doctrine sa ilang sitwasyong may good faith, ngunit hindi ito maaaring gamitin upang bigyang-katwiran ang kapabayaan o pagtatakip sa posibleng iregularidad kapag nalaman na ito ng isang opisyal. | DZRH News

1 day ago | [YT] | 5

DZRH Digital

Nagbigay ng reaksyon ang aktor na si Dennis Trillo kasunod ng interview ni Patrick Garcia kung saan nagsalita ito kaugnay sa umano’y pag-abandona kay Jennylyn Mercado habang buntis ito sa anak nilang si Jazz.

Nagpasalamat si Dennis dahil nagsalita na si Patrick at naaalala ang anak nito kay Jennylyn matapos ang ilang taong pananahimik, kasunod ng nararanasang bashing ng anak ni Patrick sa ibang babae. | DZRH News

1 day ago | [YT] | 4

DZRH Digital

‘THE SPIRIT IS THERE’

Iginiit ni House Prosecutor Zia Alonto Adiong ang pagiging passionate at hardworking ni Manila 6th District Rep. Benny Abante sa kabila ng katandaan nito.

Ayon kay Adiong, hindi sinadya ni Abante ang pagtulog para insultuhin ang Senate Impeachment Court. Aniya, ito’y dala lang ng katandaan. | DZRH News

1 day ago (edited) | [YT] | 2

DZRH Digital

‘THE SPIRIT IS THERE’

Iginiit ni House Prosecutor Zia Alonto Adiong ang pagiging passionate at hardworking ni Manila 6th District Rep. Benny Abante sa kabila ng katandaan nito.

Ayon kay Adiong, hindi sinadya ni Abante ang pagtulog para insultuhin ang Senate Impeachment Court. Aniya, ito’y dala lang ng katandaan. | DZRH News

1 day ago (edited) | [YT] | 0

DZRH Digital

Ipinahayag ni Political Analyst Ronald Llamas na inaantabayanan niya ang pagharap ni Davao City Mayor Baste Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial ng kapatid nitong si Vice President Sara Duterte. | DZRH News

2 days ago | [YT] | 17

DZRH Digital

Inamin Davao City Mayor Baste Duterte na hindi siya dadalo sa impeachment trial kung hindi dahil sa ipinadalang subpoena ng Senate Impeachment Court para sa kaniya. | DZRH News

2 days ago | [YT] | 7

DZRH Digital

‘LOKOHAN LANG ‘TO’

Nagpahayag ng saloobin si Atty. Paolo Panelo, Spokesperson ni VP Sara Duterte, kaugnay sa desisyon ng Senate Impeachment Court na ibaba ang voting threshold para sa conviction ng Bise Presidente sa impeachment trial.

Iginiit ni Panelo na malinaw namang nakasaad sa Konstitusyon ang kinakailangan para sa paghatol kay Duterte, ngunit iniba umano iyon ng Mayorya. | DZRH News

1 week ago | [YT] | 17

DZRH Digital

16-VOTING THRESHOLD, IBINABA

Narito ang resulta ng naging botohan sa pagbaba ng voting threshold para sa conviction ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

13 ang senator-judges na bumoto ng pabor, isa ang bumoto ng hindi pabor, habang anim naman ang hindi lumahok sa botohan.

Samantala, apat na senator-judges ang nananatiling absent sa naturang paglilitis dahil sa iba’t ibang kinahaharap na personal na isyu. | DZRH News

BASAHIN: www.dzrh.com.ph/post/senate-lowers-voting-threshol…

1 week ago | [YT] | 15

DZRH Digital

ANO ANG NANGYARI MATAPOS IDEKLARA ANG MARTIAL LAW NOONG 1972?

Hindi natapos sa isang deklarasyon ang kuwento.

Kasunod ng Proclamation No. 1081 noong Setyembre 21, 1972, sunod-sunod na presidential orders at instructions ang inilabas noong Setyembre 22, kabilang ang mga kautusan tungkol sa pamamahala ng gobyerno, pag-aresto at pagkustodiya, pagkontrol sa media, at pagpapatupad ng nationwide curfew. | DZRH News

1 week ago | [YT] | 14