Bumuwelta si Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa mga impormasyong kumakalat sa social media kaugnay ng kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Giit niya, hindi tamang paniwalaan ang mga impormasyong hindi verified at walang malinaw na pinagmumulan.
Aniya, "Anong source niyan? Kung unknown number 'yan, eh 'di unknown din ang source niyan. So kung unknown ang source niyan, so malamang gumagawa ng kwento 'yan."
Batay sa ipinadala umanong mensahe sa ilang kawani ng media mula sa hindi pa nakikilalang numero, sinasabing lumala nang husto ang acute diverticulitis ng Pangulo dahil umano sa paggamit ng iligal na dr*ga.
JUST IN | Bumagsak sa 3.0% ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng Pilipinas noong ikaapat na kuwarter ng 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mababa ito kumpara sa 3.9% na naitala noong ikatlong kuwarter ng parehong taon.
Ayon kay DepDev Sec. Arsenio Balisacan, isa sa mga malaking epekto ng pagbagal ng economic growth ng bansa ay ang hindi pa nareresolbang isyu sa flood control scandal. | via Sheena Torno
TINGNAN | Isang masayang group selfie ni Vice President Sara Duterte kasama ang mga Pilipinong matiyagang nagbabantay sa labas ng ICC detention facility sa The Hague, Netherlands.
Sa kabila ng malamig na panahon at layo sa sariling bayan, hindi natitinag ang kanilang suporta at pagmamahal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
TINGNAN | Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla ang isang larawan nila ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela ngayong Miyerkules, Enero 28.
Sa kabila ng naging mainit na hidwaan at pagkakaiba ng pananaw sa Senado at sa publiko, binigyang-diin ng senador na mas matimbang ang kagandahang-asal at diplomasya kaysa sa alitan.
“Diplomacy. Hindi dahilan para maging bastos tayo sa isa’t isa sa harap at sa imbitasyon ng mga dayuhang bisita," ani Padilla.
TINGNAN | OVP POP-UP EXHIBIT, OPISYAL NANG BINUKSAN SA BACOLOR
Opisyal nang binuksan ngayong araw, Enero 28, ang pop-up exhibit ng Office of the Vice President (OVP) sa Bacolor, Pampanga. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programa at inisyatiba ng OVP upang mas mapalapit sa mas maraming Pilipino.
Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ang dating Vice President Gloria Macapagal-Arroyo, na kasalukuyang kongresista ng Ikalawang Distrito ng Pampanga, pati na rin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bacolor at mga kinatawan mula sa akademya.
LOOK | Former Congressman Mike Defensor is in Cebu City for the “Usapang Bayan – Cebu People’s Forum and Press Conference” held today, January 28, 2026.
Discussions are expected to focus on the constitutional impeachment process, ongoing allegations, and other pressing national issues. | via Charmaine Balagon
Posible umanong tuluyan nang maputol ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa nagpapatuloy na girian ng dalawang bansa, ayon kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Barzaga na nakatulong sa Pilipinas ang maayos na ugnayan ng dalawang bansa noong panahon ng Duterte administration. Aniya, “During President Duterte’s time, we received billions in infrastructure, military, and medical aid from China.”
Dagdag pa ni Barzaga, patunay umano ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ng Pilipinas at China sa palpak na foreign policy ng bansa.
Mariing kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang International Criminal Court (ICC) sa paggamit umano ng mga “jokes” at maiikling pahayag ng pamilyang Duterte bilang basehan sa kanilang mga desisyon sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Bise Presidente, makikita sa mga inilabas na order ng ICC ang pag-cite sa mga deklarasyon ng kanyang pamilya, na aniya’y hindi dapat magsilbing legal na batayan sa mga ruling ng korte.
Giit ni VP Sara, dapat nakabatay lamang sa aktuwal na ebidensya at mga pangyayari sa kaso ang anumang desisyon, at hindi sa personal na komento o biro ng mga kamag-anak.
SMNI Digital
HUWAG DAW AGAD MANIWALA

52 minutes ago | [YT] | 1
View 1 reply
SMNI Digital
JUST IN | Bumagsak sa 3.0% ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng Pilipinas noong ikaapat na kuwarter ng 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mababa ito kumpara sa 3.9% na naitala noong ikatlong kuwarter ng parehong taon.
Ayon kay DepDev Sec. Arsenio Balisacan, isa sa mga malaking epekto ng pagbagal ng economic growth ng bansa ay ang hindi pa nareresolbang isyu sa flood control scandal. | via Sheena Torno
1 hour ago | [YT] | 13
View 1 reply
SMNI Digital
TINGNAN | Isang masayang group selfie ni Vice President Sara Duterte kasama ang mga Pilipinong matiyagang nagbabantay sa labas ng ICC detention facility sa The Hague, Netherlands.
Sa kabila ng malamig na panahon at layo sa sariling bayan, hindi natitinag ang kanilang suporta at pagmamahal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
📸 Alvin & Tourism
3 hours ago (edited) | [YT] | 344
View 9 replies
SMNI Digital
VERSE OF THE NIGHT
Jesus Christ is the same yesterday and today and forever.
Hebrews 13:8 | NIV
12 hours ago | [YT] | 58
View 2 replies
SMNI Digital
TINGNAN | Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla ang isang larawan nila ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela ngayong Miyerkules, Enero 28.
Sa kabila ng naging mainit na hidwaan at pagkakaiba ng pananaw sa Senado at sa publiko, binigyang-diin ng senador na mas matimbang ang kagandahang-asal at diplomasya kaysa sa alitan.
“Diplomacy. Hindi dahilan para maging bastos tayo sa isa’t isa sa harap at sa imbitasyon ng mga dayuhang bisita," ani Padilla.
📸 Robin Padilla
13 hours ago | [YT] | 21
View 8 replies
SMNI Digital
TINGNAN | OVP POP-UP EXHIBIT, OPISYAL NANG BINUKSAN SA BACOLOR
Opisyal nang binuksan ngayong araw, Enero 28, ang pop-up exhibit ng Office of the Vice President (OVP) sa Bacolor, Pampanga. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programa at inisyatiba ng OVP upang mas mapalapit sa mas maraming Pilipino.
Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ang dating Vice President Gloria Macapagal-Arroyo, na kasalukuyang kongresista ng Ikalawang Distrito ng Pampanga, pati na rin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bacolor at mga kinatawan mula sa akademya.
📸 OVP
15 hours ago (edited) | [YT] | 205
View 6 replies
SMNI Digital
LOOK | Former Congressman Mike Defensor is in Cebu City for the “Usapang Bayan – Cebu People’s Forum and Press Conference” held today, January 28, 2026.
Discussions are expected to focus on the constitutional impeachment process, ongoing allegations, and other pressing national issues. | via Charmaine Balagon
15 hours ago (edited) | [YT] | 64
View 1 reply
SMNI Digital
PALPAK NA FOREIGN POLIC
Posible umanong tuluyan nang maputol ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa nagpapatuloy na girian ng dalawang bansa, ayon kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Barzaga na nakatulong sa Pilipinas ang maayos na ugnayan ng dalawang bansa noong panahon ng Duterte administration. Aniya, “During President Duterte’s time, we received billions in infrastructure, military, and medical aid from China.”
Dagdag pa ni Barzaga, patunay umano ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ng Pilipinas at China sa palpak na foreign policy ng bansa.
16 hours ago (edited) | [YT] | 898
View 33 replies
SMNI Digital
Mariing kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang International Criminal Court (ICC) sa paggamit umano ng mga “jokes” at maiikling pahayag ng pamilyang Duterte bilang basehan sa kanilang mga desisyon sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Bise Presidente, makikita sa mga inilabas na order ng ICC ang pag-cite sa mga deklarasyon ng kanyang pamilya, na aniya’y hindi dapat magsilbing legal na batayan sa mga ruling ng korte.
Giit ni VP Sara, dapat nakabatay lamang sa aktuwal na ebidensya at mga pangyayari sa kaso ang anumang desisyon, at hindi sa personal na komento o biro ng mga kamag-anak.
18 hours ago (edited) | [YT] | 455
View 38 replies
SMNI Digital
EARTHQUAKE ALERT | Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Kalamansig, Sultan Kudarat bandang 4:35 PM ngayong Miyerkules, Enero 28, ayon sa PHIVOLCS.
Sa huling ulat ng PHIVOLCS, nakapagtala na ng kabuuang 1,646 na aftershocks mula sa offshore earthquake sa Sultan Kudarat.
18 hours ago (edited) | [YT] | 2
View 0 replies
Load more