Mga maiinit na balitang kinalap at tinutukan ng SMNI Integrated News and Public Affairs!
#SMNINews #SMNI #SMNINewsblast


Newsblast Online

PINALABNAW PARA MA-REJECT?

Tila sinadya umano ng mga nasa likod ng unang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing malabnaw ang nilalaman nito upang tuluyan itong ma-reject, sa pag-aakalang wala nang susunod pang reklamo ang ihahain, ayon kay dating Defense Secretary Norberto Gonzales.

Giit niya, "Ang intensyon ay magkaroon ng isang impeachment complaint na pwedeng ibasura para hindi na magkaroon ng mga kasunod pang impeachment complaints. Malinaw na strategy 'yan na ginagawa ng ating administration."

Pero aniya, hindi dapat malungkot ang publiko sakali’t hindi umusad ang tamang impeachment complaint, dahil aniya ang pormal na proseso ang mahalaga, hindi lamang ang sentimiyento ng bayan.

"'Yung mga pwersa na akala nila hindi nag-iisip ang mamamayan—magugulat 'yang mga 'yan," dagdag pa ni Gonzales.

6 hours ago | [YT] | 5

Newsblast Online

BRRR! BAGUIO CITY!

Umabot sa 10.6°C ang temperatura sa Baguio City ngayong araw, Enero 23, ayon sa PAGASA, na siyang pinakamalamig na lugar sa bansa ngayong araw.

7 hours ago | [YT] | 1

Newsblast Online

TAMA NA ANG POLITIKA!

Naglabas ng matinding pagkadismaya si Sen. Robin Padilla sa mga isyu ng impeachment sa mga pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan, habang marami pa umanong dapat tapusing trabaho sa 20th Congress.

Ayon sa senador, "Mga kababayan, tandaan po ninyo ang mga mukha ng mga taong nagpapagulo ng ating bayan. Wala tayong ginagawa kundi mangutang lang."

Iginiit niya na mas dapat bigyang pansin ang mga panukalang batas na tutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng ordinaryong Pilipino.

1 day ago | [YT] | 31

Newsblast Online

ISYU NG "RESPETO" SA SENADO

Nagsagutan sa social media sina Sen. Ping Lacson at Sen. Imee Marcos kaugnay ng iprinisintang "Minority Report" hinggil sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects.

Noong Enero 20, ipinrisinta nina Sen. Imee at Sen. Rodante Marcoleta ang report ng Minority Bloc, na nagde-detalye sa mga obserbasyon nito sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng komite sa flood control scandal.

Anim sa siyam na miyembro ng Minority Bloc ang pumirma sa naturang report bago ito isinumite sa tanggapan ni Senate President Tito Sotto noong Disyembre 10, 2025.

Ngunit si Lacson, na chairman ng BRC, ay umalma at iginiit na pambabastos ang ginawa ng minorya sa komite at sa buong Senado.

1 day ago | [YT] | 9

Newsblast Online

TAMA NA ANG PANLILINLANG

Binanatan ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang Senate Blue Ribbon Committee dahil sa umano’y kakulangan ng determinasyon sa pag-usad ng mga imbestigasyon, partikular kapag nadadawit na ang mga pangalan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Duterte na lumitaw sa mga pagdinig ng Senado ang testimonya ng dalawang saksi na nag-uugnay kina Romualdez at Curlee Discaya, subalit nang itanggi ito ni Discaya, umatras umano ang Senado.

Binanggit din niya ang umano’y katiwalian sa flood control projects na kinasasangkutan ng mga kaalyado sa Kongreso, na ayon sa kanya ay hindi nabibigyan ng sapat na pansin, habang patuloy umanong nawawala ang bilyon-bilyong pondo.

"The people are not blind. They know when they are being played. And they will remember who looked away," dagdag pa ni Cong. Pulong.

2 days ago | [YT] | 29

Newsblast Online

SINO ANG "NOISE"?

Binanatan ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang umano’y mga nagdududa, kritiko, at sumisira na sinasabing ginagamit ang galit ng publiko upang hatiin ang bansa.

Aniya, “Your noise will not silence the truth; neither does it provide any help in our investigation. Your noise cannot convict—and won’t even indict the malefactors in this flood control mess. Only evidence does.”

Wala mang tiyak na pinatutungkulan si Lacson sa kanyang mga parinig, sinagot ito ni Sen. Imee Marcos: "Alam ng kahit sinong senador na hindi pwedeng utusan ang kapwa nila senador. Sa Senado, hindi naman pwedeng maghari-harian o magreyna-reynahan."

Maliban kay Sen. Imee, kumpiyansa rin si Sen. Rodante Marcoleta, na kasama niya sa Minority Bloc, na hindi siya ang tinutukoy ni Lacson: "Alam kong hindi ako ang pinatutungkulan. I don't feel alluded to."

2 days ago | [YT] | 15

Newsblast Online

ICYMI | MODERN-DAY NA PAGNANAKAW

Ibinunyag ng contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya na pakiramdam niya ay “ninakawan” sila matapos umanong hilingin na magbalik o mag-restitute ng pera habang isinasagawa ang kanilang aplikasyon sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno.

Paliwanag ni Discaya, "Parang kami ang nanakawan. Parang ibig sabihin, parang modern-day na pagnanakaw. Ibig sabihin, ‘yung nakaw ba, siya pa ang magbibigay ng pera doon sa ninakawan niya? Parang gano’n po."

Sinabi ni Discaya kay Sen. Rodante Marcoleta na hindi nabanggit ang restitution sa unang pag-uusap, at tinalakay lamang ito sa sumunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Sa kabila nito, pinabulaanan ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon ang pahayag ni Discaya: "Kasinungalingan po yung sinasabi ni Mr. Discaya na agad-agad silang sinabihan na magsoli ka."

2 days ago | [YT] | 5

Newsblast Online

CYBERLIBER VS. KIKO BARZAGA

Nahaharap ngayon sa kasong cyberlibel si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay ng umano'y alegasyon niyang tumanggap ng suhol ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP) mula sa negosyanteng si Enrique Razon.

Si House Deputy Speaker Ronaldo Puno ang naghain ng kaso laban kay Barzaga sa Office of the City Prosecutor sa Antipolo City ngayong araw, Enero 20.

3 days ago | [YT] | 7

Newsblast Online

HINDI EKSPERTO SA INTRIGA?

Pumalag si PCO Usec. Claire Castro sa pagkuwestiyon ni Davao City 1st District Rep. Paolo "Pulong" Duterte sa inihaing impeachment complaint sa Kamara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Giit ni Castro, hindi umano eksperto sa pagpa-planta ng ebidensya ang Pangulo at ang administrasyon kaya't malabo umano ang pinalalabas na motibo ni Cong. Pulong sa naturang impeachment case.

Aniya, "Kung 'yun ang nailagay na grounds for the impeachment ng ating pangulo, malamang ay wala silang makita na ibang dahilan para maimpeach ang Pangulo."

Nauna nang binanatan ni Cong. Pulong ang inihaing reklamo laban kay Marcos, Jr. at sinabing, "Kung seryoso kayo sa corruption, doon kayo sa may ebidensya. Kung seryoso kayo sa accountability, doon kayo sa may pera ng bayan na nawala. Pero kung drama lang ang hanap, sige — impeachment ang props, disbarment ang side show."

3 days ago | [YT] | 4

Newsblast Online

PINUNO NA MAY "MORAL AUTHORITY"

Binigyang-diin ni retired Major General Romeo Poquiz ang kahalagahan ng “moral authority,” partikular sa pagpapasunod ng isang lider sa kanyang mga nasasakupan.

Ipinaliwanag niya na kapag ang Commander-in-Chief ay nahaharap sa mabibigat na alegasyon ng korapsyon at droga—lalo na’t nagmula sa sarili nitong kapamilya—at walang malinaw na paliwanag, mananatili ang pagsunod pero nawawala ang tiwala.

Ani Poquiz, "Maaaring pilitin ang pagsunod, pero ang tiwala ng sundalo ay hindi napipilit—ito’y pinaniniwalaan."

Giit niya, sumusunod ang sundalo sa utos, pero naniniwala lang ito sa pinunong may moral authority.

4 days ago | [YT] | 30