News5Everywhere is the official YouTube channel of News5. We provide you with all the videos you need to stay up to date on what's happening in and around the country.
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Tiniyak ng bagong talagang Ombudsman na si Boying Remulla na wala siyang sisinuhin sa pagpapanagot sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
“I'm going to go where it would take me. Kasi ito naman, you don't choose it eh. It will take you where you have to go," saad ni Remulla.
Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na kulang ang inilaang pondo sa 2026 budget para sa mga biktima ng human rights violations.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ng CHR na humiling sila ng P51 milyon para sa financial assistance pero P16 milyon lang ang nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP).
Sa kabila nito, pagkakasyahin daw ng komisyon ang pondo para sa tulong-pinansyal sa mga biktima at kanilang mga pamilya. | via Maeanne Los Baños-Oroceo
WARNING NI SEC. RECTO SA PANUKALANG PAGBABA NG VAT
Nagbabala si Finance Sec. Ralph Recto sa posibleng magiging epekto ng panukalang ibaba sa 10% ang kinokolektang value added tax (VAT).
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ng kalihim na maaaring magdulot ang panukala ng revenue losses.
"Kung magbabawas pa tayo ng revenue, baka pati ang current operating expenses natin uutangin na rin natin," ayon kay Recto.
"I'm sure that those who have filed a bill all have well intentions. Having said that, at this point in time, if you do, I leave it to Congress. If you pass a bill, my warning will be: That there will be a possible credit rating downgrade," dagdag niya.
Para kay Vice Pres. Sara Duterte, matatawag na "political scapegoating" ang pagdiin sa kaniya at sa administrasyon ng kaniyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte sa iba't ibang isyu sa bansa.
"Ang ginagawa po ng isang tao, or ni BBM, ay dahil wala siyang ginagawa, walang mga proyekto, walang accomplishments ang kaniyang gobyerno, at matindi ang corruption na ginagawa nila. Ang ginagawa nila ay inaatake nila 'yung kalaban nila," sabi ng bise ngayong Miyerkules, Oct. 15.
BREAKING NEWS | 'THEY WILL NO LONGER APPEAR BEFORE THE ICI'
Hindi na makikipagtulungan ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay ng anomalya sa infrastructure projects, anunsyo ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka.
"Upon the advice of their counsel, they invoked their right against self-incrimination, and manifested that they will no longer with the investigation being conducted by the ICI," sabi ni Hosaka.
Ipinaliwanag umano ng mga Discaya na umaasa silang makakakuha sila ng recommendation bilang state witness kapag nakipag-cooperate sila sa ICI.
"They said that there was a statement by commissioner (Babes) Singson regarding his own personal take... na as of now, there is no witness or person who may be recommended... as state witness."
Tinatanggap pa rin umano ng komisyon ang ibinigay na impormasyon at dokumento ng mag-asawa.
FILIPINOS SEE U.S. AS STRONGEST PARTNER VS. CHINA'S WPS AGGRESSION
Naniniwala ang karamihan ng mga Pilipino na pinakamakatutulong ang Amerika sa pagtugon sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea, ayon sa Pulse Asia survey.
Makailang ulit nang kinondena ng ilang bansa ang pang-ha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa WPS.
News5Everywhere
PANANAW NG MGA PINOY SA KORUPSYON
Halos lahat o 97% ng mga Pinoy ang nagsabing "widespread" o malawakan ang korupsyon sa Pilipinas, base sa latest survey ng Pulse Asia Research, Inc.
Sa kaparehong survey, lumabas na nasa 85% ng mga Pinoy ang naniniwalang tumaas ang katiwalian sa nakalipas na taon.
Mayorya din ng mga Pinoy, o nasa 59%, ang sang-ayon sa pahayag na normal na bahagi na ng Philippine politics ang korupsyon.
Isinagawa ang survey noong Sept. 27-30, sa gitna ng kontrobersya sa maanomalyang infrastructure projects sa bansa.
6 days ago | [YT] | 585
View 175 replies
News5Everywhere
BAGONG HEAD COACH NG USA MEN'S BASKETBALL TEAM
Pangungunahan ni Filipino-American coach Erik Spoelstra ang men's basketball team ng United States.
Magsisilbi siyang head coach sa 2027 FIBA Men’s World Cup sa Doha, Qatar at Los Angeles 2028 Olympics.
📸: USA Basketball/Facebook
6 days ago | [YT] | 357
View 19 replies
News5Everywhere
WALANG SISINUHIN SA FLOOD CONTROL SCANDAL
Tiniyak ng bagong talagang Ombudsman na si Boying Remulla na wala siyang sisinuhin sa pagpapanagot sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
“I'm going to go where it would take me. Kasi ito naman, you don't choose it eh. It will take you where you have to go," saad ni Remulla.
6 days ago | [YT] | 2,556
View 896 replies
News5Everywhere
LEADERSHIP SKILLS ANG ALAS
Naniniwala si Ombudsman Boying Remulla na kabilang ang kanyang leadership skills sa mga dahilan ng pagkakatalaga niya bilang bagong Ombudsman.
“I think it’s the leadership that I can provide... That direction that I can provide,"saad ni Remulla.
6 days ago | [YT] | 1,757
View 632 replies
News5Everywhere
2026 PROPOSED BUDGET NG CHR
Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na kulang ang inilaang pondo sa 2026 budget para sa mga biktima ng human rights violations.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ng CHR na humiling sila ng P51 milyon para sa financial assistance pero P16 milyon lang ang nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP).
Sa kabila nito, pagkakasyahin daw ng komisyon ang pondo para sa tulong-pinansyal sa mga biktima at kanilang mga pamilya. | via Maeanne Los Baños-Oroceo
6 days ago | [YT] | 101
View 99 replies
News5Everywhere
WARNING NI SEC. RECTO SA PANUKALANG PAGBABA NG VAT
Nagbabala si Finance Sec. Ralph Recto sa posibleng magiging epekto ng panukalang ibaba sa 10% ang kinokolektang value added tax (VAT).
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ng kalihim na maaaring magdulot ang panukala ng revenue losses.
"Kung magbabawas pa tayo ng revenue, baka pati ang current operating expenses natin uutangin na rin natin," ayon kay Recto.
"I'm sure that those who have filed a bill all have well intentions. Having said that, at this point in time, if you do, I leave it to Congress. If you pass a bill, my warning will be: That there will be a possible credit rating downgrade," dagdag niya.
6 days ago | [YT] | 114
View 417 replies
News5Everywhere
POLITICAL SCAPEGOATING?
Para kay Vice Pres. Sara Duterte, matatawag na "political scapegoating" ang pagdiin sa kaniya at sa administrasyon ng kaniyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte sa iba't ibang isyu sa bansa.
"Ang ginagawa po ng isang tao, or ni BBM, ay dahil wala siyang ginagawa, walang mga proyekto, walang accomplishments ang kaniyang gobyerno, at matindi ang corruption na ginagawa nila. Ang ginagawa nila ay inaatake nila 'yung kalaban nila," sabi ng bise ngayong Miyerkules, Oct. 15.
6 days ago | [YT] | 346
View 300 replies
News5Everywhere
BREAKING NEWS | 'THEY WILL NO LONGER APPEAR BEFORE THE ICI'
Hindi na makikipagtulungan ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay ng anomalya sa infrastructure projects, anunsyo ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka.
"Upon the advice of their counsel, they invoked their right against self-incrimination, and manifested that they will no longer with the investigation being conducted by the ICI," sabi ni Hosaka.
Ipinaliwanag umano ng mga Discaya na umaasa silang makakakuha sila ng recommendation bilang state witness kapag nakipag-cooperate sila sa ICI.
"They said that there was a statement by commissioner (Babes) Singson regarding his own personal take... na as of now, there is no witness or person who may be recommended... as state witness."
Tinatanggap pa rin umano ng komisyon ang ibinigay na impormasyon at dokumento ng mag-asawa.
6 days ago | [YT] | 215
View 330 replies
News5Everywhere
MALUNGKOT SA THE HAGUE
Malungkot umano si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nangyayari sa bansa, ayon kay Vice Pres. Sara Duterte.
'Yan ang sagot ng bise nang tanungin siya kung kumusta ang morale ng dating pangulo na kasalukuyang nakadetene sa The Hague sa The Netherlands.
Paliwanag ni VP Duterte, nafu-frustrate ang kaniyang ama dahil nais umano nitong tumulong.
"Gusto niya tumulong, hindi siya makatulong... sa nangyayari na korupsyon sa administrasyon," aniya.
6 days ago | [YT] | 2,740
View 1,100 replies
News5Everywhere
FILIPINOS SEE U.S. AS STRONGEST PARTNER VS. CHINA'S WPS AGGRESSION
Naniniwala ang karamihan ng mga Pilipino na pinakamakatutulong ang Amerika sa pagtugon sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea, ayon sa Pulse Asia survey.
Makailang ulit nang kinondena ng ilang bansa ang pang-ha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa WPS.
6 days ago | [YT] | 328
View 172 replies
Load more