PAULINES is here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel. #Paulines #DaughtersOfStPaul e-mail: avpmpt@paulines.ph | 09235227747
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 9, 2026 โ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ ๐๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ณ๐๐ซ๐๐ง๐จ Unang Pagbasa I Mga Bilang 21, 4b-9 Salmong Tugunan l Salmo 77 Ikalawang Pagbasa | Filipos 2, 6-11 #MabutingBalita#DaughtersOfStPaul#Paulines Ebanghelyo: Juan 3: 13-17
Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: โWalang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langitโ ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.โ
Pagninilay: Ang pista ng Hesus Nazareno ay isa sa kinikilalang debosyon sa Pilipinas. Dinadagsa ito ng milyon-milyong mga Katoliko na nagpapahayag ng malalim na pananampalataya at pagkakaisa bilang isang komunidad. Ang translacion o transfer of image sa Luneta, ang original location ng imahen ng Poong Nazareno, na dinadala sa Quiapo, ay simbolo ng pasyon at paghihirap ni Hesus. Isang debosyon na nag-uugat sa pananalig ng mga tao na makatatamo sila ng milagrosong kagalingan at iba pang biyaya. Sa aming misyon sa Nueva Ecija ay nakilala namin ang isang deboto ng Poong Nazareno. Siya raw ay pinagaling ng Poong Nazareno sa kanyang sakit na cancer. Kaya taon-taon, hindi siya lumilibang pumunta sa Quiapo para maki-isa sa Pista bilang pasasalamat sa grasya niyang nakamtan. Ang itim na kulay ng Poong Hesus Nazareno ay representasyon ng paghihirap at walang hanggang pag-ibig ni Hesus sa katauhan. Siya ay palaging kapiling natin sa mga pakikibaka at mga pagsubok sa buhay. Lalung-lalo na sa panahon ngayon na napakaraming problema ang ating bansa. Manalig tayo at magtiwala na nakikiisa sa atin si Hesus at kailan man ay di Niya tayo pababayaan sa lahat ng pinagdadaanan natin sa buhay. Manalangin tayo: O Poong Hesus Nazareno, patnubayan mo po kami ng Iyong biyaya sa pamamagitan ng Espiritu Santo, upang matupad namin ang utos ng Diyos Ama patungo sa iyong kaharian sa langit. Amen.. - Sr. Aida Adriano, fsp | Daughters of St. Paul
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 8, 2026 โ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐๐ฌ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Unang Pagbasa I 1 Jn 4:19-5,4
Salmong Tugunan l Salmo 72
#MabutingBalita#DaughtersOfStPaul#Paulines Ebanghelyo: Lucas 4: 14-22
Nagbalik si Hesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap sa buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. Kinaugalian niyang magturo sa kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya ng lahat. Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: โSumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ihayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.โ Binilot ni Hesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. Sinimulan niyang magsalita sa kanila: โIsinakatuparan na ang Kasulatan ito ngayon habang nakikinig kayo.โ At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nanggaling sa kanyang bibig. At sinabi nila: โHindi baโt ito ang anak ni Jose?โ
Pagninilay:
Mapayapang simula ng taon, mga kapanalig! Hindi lamang kwento ng isang guro na umikot sa mga bayan ang simula ng misyon ni Hesus sa Galilea; kwento rin ito ng kapangyarihang nagmumula sa Espiritu Santo - kapangyarihang nagpapagaling, nagbubukas ng mga mata, at nagbibigay ng bagong pag-asa sa mga pagod na puso.
Tahimik ang pagdating ni Hesus sa Nazaretโsarili Niyang bayanโwalang engrandeng pa-welcome. Tapat si Hesus kaya kahit walang pumapalakpak, kahit ordinaryong araw lang - pumasok Siya sa sinagoga โgaya ng Kanyang nakaugalian.โ Tinuturuan tayo na hindi nakikita sa malalaking gawain ang tunay na kabanalan, kundi sa pagiging tapat araw-araw.
Binasa ni Hesus ang aklat ni Isaias, ipinahayag kung sino Siya at kung ano ang kanyang misyon: magpahayag ng Mabuting Balita sa mahihirap, magpalaya sa mga bihag, magbigay-liwanag sa mga bulag, kanlungan ng mga inaapi, at ipahayag ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon. Opo, dumating si Hesus para sa lahat ng wasak, pagod, sugatan, at nawawalan ng pag-asa. Mula sa Kanya ang pinakamaiksi ngunit malalim na pagninilay sa Mabuting Balita, โNatupad ngayon ang kasulatang ito na inyong narinig.โ Hindi bukas, hindi sa ibang panahonโngayon.
Marami sa atin ang naghihintay ng himala bukas, ng kaginhawaan sa susunod na taon, o ng pagbabago โkapag handa na ako.โ Ngunit ipinapaalala ng Mabuting Balita: nagsisimula sa sandaling handa ka nang maniwala at magtiwala ang pagliligtas ng Diyos. Mga kapanalig, kahit gaano karami ang sugat moโemosyonal, espiritwal, o pinansyalโmay misyon si Hesus para saโyo: para palayain ka, pagalingin ka, at gawin kang tanglaw sa mundo. At tulad ng mga tao sa sinagoga na namangha sa Kanya, maaari ka ring mamanghaโsa gagawin ng Diyos sa buhay mo, simula ngayon.
- Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 7, 2026 โ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Unang Pagbasa I 1 Juan 4, 11-18
Salmong Tugunan l Salmo 71
#MabutingBalita#DaughtersOfStPaul#Paulines Ebanghelyo: Marcos 6, 45-52
Pinilit ni Hesus na sumakay ang mga alagad at pinauna sa Betsaida sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. At pagkapaalis niya sa kanila, mag-isa siyang lumayo papunta sa kaburulan para manalangin. Nasa laot na ang bangka nang gumabi at nag-iisa naman siyang nasa lupa. Nakita niya silang nahihirapan sa pagsagwan sapagkat pasalungat ang hangin. Kaya nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Hesus na naglalakad sa dagat, at waring lalampas sa kanila. Nang makita nila siyang naglalakad sa dagat, akala nila'y multo siya. Kaya sumigaw sila. Nakita nga siya nilang lahat at nasindak sila. Ngunit agad niya silang kinausap: โLakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.โ Nang nakasakay na siya sa bangka kasama nila, tumigil ang hangin kaya lalo pa silang namangha. Hindi nga nila naunawaan ang tungkol sa mga tinapay, kundi sarado ang kanilang isip.
Pagninilay:
Kung sasakay kayo ng Grab, makikita natin na gumagamit ang driver ng Waze para magsilbing gabay sa ating patutunguhan. Minsan alam na natin ang daan pero minsan iba ang itinuturo sa atin ng Waze. Kung titingnan natin akala natin mali ang tinituro nito pero binibigyan lang pala tayo ng ibang daan papunta sa ating paroroonan. Ganun din sa ating buhay-pananamplataya. Hindi ito straight path โ minsan magulo at minsan hindi natin alam kung bakit. Kagaya ng Waze, kahit iba ang daan na ibinibigay sa atin, itinuturo pa rin ang daan papunta sa patutunguhan natin.
Kadalasan napapatanong tayo: ''Bakit kaya nangyayari sa akin ito? Mukhang hindi yata pinapakinggan ng Diyos ang aking mga panalangin? Kagaya ng mga alagad sa ebanghelyo, noong makita nila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig na para bang nakakita sila ng multo. Nanggilalas sila dahil hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay. Hindi pa ito abot ng kanilang isip.'
Mga kapanalig, kung may mga pinagdaraanan tayo ngayon, kailangan lang natin itong I acknowledge. Pero huwag nating hayaan na maging hadlang ito sa pagsunod sa ating Panginoon. Maaring di pa natin nauunawaan ngayon, pero balang araw makikita rin natin ang dahilan kung bakit kailangan natin pagdaanan โyun. Kaya naman panghawakan natin ang sinabi ni Hesus: ''Huwag kayong matakot, Si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!''
Mga kapanalig, ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay hindi ibig sabihin wala na tayong takot na nararamdaman. Andyan pa rin ang takot, pero kung naniniwala tayo na kasama natin si Hesus, nagkakaroon tayo ng lakas loob. Si Hesus ang magsisilbing Waze natin upang ituro ang tamang daan papunta sa kanya. Mangyayari lamang ito kung nagdarasal tayo sapagkat sa pamamagitan ng panalangin itinuturo sa atin ni Hesus ang daan. Kaya lakad lang tayo nang may pananampalataya kay Hesus.
- Fr. Baste Gadia, SSP | Society of St. Paul
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 6, 2026 โ ๐๐๐ซ๐ญ๐๐ฌ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Unang Pagbasa I 1 Juan 4, 7-10
Salmong Tugunan l Salmo 71
#MabutingBalita#DaughtersOfStPaul#Paulines
Ebanghelyo: Marcos 6, 34-44
Nakita ni Hesus ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila ng matagal. Nang humahapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: โPaalisin mo sila ng makapunta sila sa mga nayon at bukid sa paligid at makabili ng kani-kanilang makakain.โ โKayo ang magbigay sa kanila ng makakain.โ โAt kami pa pala ang bibili ng tinapay โ dalawandaang denaryo di ba? At bibigyan namin sila.โ โIlang tinapay mayroon kayo? Sige, tingnan ninyo.โ โLima at may dalawa pang isda.โ Kaya iniutos niya sa kanila na paupuin nang grupo-grupo ang makapal na tao sa berdeng damuhan. At naupo silang grupo-grupo, tigiisandaan at tiglilimampu. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa Langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ibigay din nila sa mga tao. Gayundin naman, hinati niya ang dalawang isda. At kumain silang lahat at nabusog, at tinipon nila ang mga natirang pira-piraso- labindalawang punong basket mga piraso ng tinapay pati na mga piraso ng isda. Mga limanlibong lalaki ang napakain.
Pagninilay:
Anong importanteng aral ang itinuturo sa atin ng Mabuting Balita na ating napakinggan? Ayon kay Pope Francis, ang gospel episode na ito ay isang malinaw na pagtukoy sa Eukaristiya - โPagkatapos ay kinuha ni Hesus ang mga tinapay at isdang iyon, tumingala sa langit, binigkas ang basbas at pinagpira-piraso ang mga ito at ibinigay sa mga disipulo na namahagi ng mga itoโฆโ Ipinamahagiโฆang lahat ay kumainโฆat meron pang natiraโฆ โSi Hesus ang tinapay ng buhay para sa sangkatauhan.โ
Kapanalig, ito ang milagrong nangyayari โpag tayo ay buong pusong nagbibigay ng ating sarili, kakayahan, yaman o pagkain para sa kabutihan ng ating kapwa. Hindi tayo nakukulangan. Sa halip, ang ibinibigay natin ay nagpo-produce pa ng hundredfold โ not in a magical way โ but because they also inspire others to do the same. So, dumadami at nagkakaroon pa ng sobra. โDi ba ang human tendency natin is to hoard, to think first of ourselves? Pero, the Lord remembers a generous heart. Kung generous tayo sa pagtulong at pag-share sa nangangailangan, He will be more generous with us in return. The Lord is the God of abundance. Hindi siya nagtitipid sa atin. Kaya nga, hindi important kahit maliit lamang ang ating maibibigay o maisi-share. Ang mahalaga, nanggagaling ito sa kaibuturan ng puso. At ito ay babalik sa atin nang mas higit pa, wastong sukat, puno, liglig at umaapaw. - Sr. Pinky Barrientos, fsp | Daughters of St. Paul
Ebanghelyo: Mateo 4, 12-17. 23-25
Nang marinig ni Hesus na dinakip si Juan, Lumayo siya pa-Galilea. Hindi rin siya tumigil sa Nazaret, kundi sa Capernaum nanirahan, sa may baybayin ng lawa ng Galilea, sa teritoryo ng Zabulon at Neftali. Kaya natupad ang salita ni Propeta Isaias: โMakinig kayo, mga lupain ng Zabulon at Neftali, mga daang patungo sa Dagat, kabilang ibayo ng Jordan; pakinggan ako, Galileang lupain ng mga pagano. Nakakita na ng malaking liwanag ang mga lugmok sa kadiliman. Sumikat na ang liwanag sa mga nasa anino ng kamatayan.โ At magmula noon, sinimulang ipahayag ni Hesus ang kanyang mensahe: โMagbagumbuhay; lumapit na nga ang kaharian ng Langit.โNagsimulang maglibot si Hesus sa buong Galilea. Nagturo siya sa kanila mga sinagoga, ipinahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian at pinagaling ang kung anu-anong klase ng sakit at kapansanan ng mga tao.Lumaganap sa buong Siria ang balita tungkol sa kanya. Kaya dinala sa kanya ang mga may karamdaman, ang lahat ng naghihirap dahil sa sakit, ang mga inaalihan ng demonyo, ang mga nasisiraan ng bait, ang mga paralitiko, at pinagaling niya silang lahat. Sinundan siya ng maraming taong galing sa Galilea, sa Sampung Lunsod, sa Jerusalem, sa Judea at sa kabilang ibayo ng Jordan.
Pagninilay:
Pamilyar ba kayo sa kasabihan na, โNo retreat, no surrenderโ? Ibig sabihin nito, kailangan lakas-loob nating harapin ang bawat hamon ng buhay; huwag agad sumusuko. Pero sa Ebanghelyo ngayon, tila hindi ito sinunod ni Hesus. Matapos Niyang mabalitaan ang pagkabilanggo ni Juan Bautista, umiwas Siya at nagpunta sa Galilea. Tama ba ang ginawa ng ating Panginoon?
Oo, tama. Sapagkat ang hindi ito pag-atras na may halong takot o pag-urong-sulong. Ang Kanyang paglayo ay isang matalinong hakbang โ isang paghahanda para sa mas malaki at mas malawak na misyon na inilalaan ng Ama. Ganyan din sa buhay natin. May mga sandaling kailangan nating umatras pansamantala โ magpahinga, magmuni-muni, manahimik. Hindi ito kabiguan. Hindi ito kawalan ng tapang. At hindi ito pag-iwan sa laban. Ito ay paghuhubog at pag-ayos ng puso. Ito ay paghahanda.
Minsan strategy din ng Diyos ang pag-atras. Ang ginawa ni Hesus ay isang paalala: sa bawat pag-atras natin, hindi tayo nag-iisa. Kasama pa rin natin Siya. Kayaโt ang pag-atras na kasama ang Diyos ay nagiging isang matapang, matalino, at mapagpakum-babang hakbang para mas lalo tayong lumakas, mas luminaw ang pag-iisip, at mas maging handa sa susunod na laban.
Tanungin natin ang ating sarili: Saang bahagi ng buhay ako tinatawag ng Panginoon na mag-step back muna? Sa pagsusuri ng sarili? Sa pag-aayos ng priorities? Sa paghilom ng nasugatang puso? Sa pagwawasto ng mga pagkakamali? O sa tahimik na paglapit sa Diyos upang makita nang mas malinaw ang susunod na hakbang?
Huwag kang matakot. Kung kasama natin si Hesus, ang pag-step back ay isang pag-step forward din. Amen.
- Fr. John Klen Malificiar, SSP | Society of St. Paul
Ebanghelyo: Mateo 2, 1-12
Pagkapanganak kay Hesus sa Betlehem sa Judea, sa panahon ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang ilang pantas mula sa Silangan. Nagtanong sila: โNasaan ang bagong silang na hari ng maga Judio? Nakita namin ang pagsikat ng kanyang tala sa Silangan at naparito kami para sambahin siya.โNang marinig ito ni Herodes, naligalig siya at ang buong Jerusalem. Ipinatawag niya kaagad ang buong kaparian at ang mga dalubhasa sa Batas, at itinanong sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesiyas.At sinabi nila: โSa Betlehem ng Juda sapangkat ito ang isinulat ng Propeta: โAt ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakaaba sa mga angkan ng Juda, sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno: siya ang magiging pastol ng aking bayang Israel.โKaya lihim na tinawag ni Herodes ang mga pantas at hiningi sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa sumikat na tala. At saka niya sila pinapunta sa Betlehem at sinabi: โPumunta kayo at alamin ang tungkol sa bata. Pagkakita ninyo sa kanya, bumalik kayo sa akin para makapunta rin ako sa kanya at makasamba.โUmalis sila pagkarinig nila sa hari. Nagpauna sa kanila ang tala na nakita nila sa Silangan, at tumigil ito sa itaas ng lugar na kinaroroonan ng sanggol. Labis na natuwa ang mga pantas nang makita nilang muli ang tala! Pumasok sila sa bahay at nakita nila ang sanggol kasama ni Mariang kanyang ina. Lumuhod sila at sumamba, at binuksan ang kanilang mga mamahaling dala at hinandugan siya ng mga regalong ginto, kamanyang at mira.At nag-iba sila ng daan pag-uwi nila sa kanilang lupain dahil binilinan sila sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes.
Pagninilay:
Pamilyar tayo sa sabsaban ng Belen at kung sinu-sino at ano ang makikita doon. Kasama ng bagong silang na Sanggol na si Hesus ang kanyang mga magulang na sina Jose at Maria, gayon din ang mga pastol kasama ang kanilang mga tupa. Sila ang mga unang bisita ng bagong silang na Sanggol. Natunton ng mga pastol ang Belen sa paggabay sa kanila ng mga anghel. Di kalaunan, dumating ang ikalawang pangkat ng mga bisita sa katauhan ng mga astronomo o mga pantas. Mula sila sa malayo, sa dakong silangan, kayaโt nabuo ang paniniwalang nagmula sila sa kaharian ng Persia.
Pinag-aaralan nila ang paggalaw ng mga bagay-bagay sa kalawakan, at inuugnay nila ang pagkilos ng mga ito sa takbo ng buhay ng tao sa lupa. Nang isilang ang sanggol na si Hesus, may sumulpot na liwanag sa kalangitan. Kakaiba ang liwanag na nakita nila sapagkat sadyang maningning at malawak ang sakop. Nabuo sa isipan nila kung gaano kahalaga ang araw na yaon na maaring naging saksi sa pagsilang ng isang dakilang tao o hari.
Mahalaga ang kapistahan ng Epifanya dahil kinukumpleto nito ang kuwento ng Pasko. Ang sanggol na Hesus ay nakita hindi lamang ng mga Judio, na kinatawan ng mga pastol, kundi pati ng mga hindi Judio, sa katauhan ng mga Pantas mula sa Silangan. Ang Mesiyas ay para sa lahat ng tao at hindi lamang para sa Israel. Unang nagtanong ang mga Pantas kay Herodes tungkol sa sanggol, ngunit pagkatapos nilang matagpuan si Hesus, tinunton nila ang ibang daan at hindi na bumalik kay Herodes.
Panginoon, muli naming nasilayan at pinagnilayan ang bagong silang na Sanggol at ang kaugnayan niya sa aming buhay. Turuan mo kaming magpahalaga sa bawat buhay na kaloob mo, lalung-lalo na ang mga sanggol na mahihina at walang kalaban-laban. Ilayo mo kami sa karahasan at panggigipit sa kapwa. Sa tapat naming pagtupad sa aming araw-araw na trabaho, nawaโy masumpungan namin ang Panginoong magliligtas sa amin at magtuturo sa aming tahakin ang tuwid at bagong daan ng buhay. Amen.
- Fr. Paul Marquez, ssp | Society of St. Paul
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 3, 2026 โ ๐๐๐๐๐๐จ
Paggunita sa Kabanal-banalang Ngalan ng ating Panginoong Hesus
Unang Pagbasa I 1 Juan 2, 29 โ 3, 6
Salmong Tugunan l Salmo 97

Ebanghelyo: Juan 1, 29-34
Nakita ni Juan Bautista si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya: โHayan ang Kordero ng Diyos, ang nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Ito ang tinutukoy ko nang sabihin kong โNagpauna na sa akin ang lalaking kasunod kong dumating sapagkat akoโy siya na.โ Hindi ko nga siya nakilala pero dahil sa kanya kaya ako pumaritong nagbibinyag sa tubig upang mahayag siya sa Israel.โAt nagpatotoo si Juan: โNakita ang Espiritu na bumababa mula sa langit gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya. Hindi ko nga siya nakilala ngunit ang nagsugo sa akin na magbinyang sa tubig ang nagwika sa akin. โKung kanino mo makita ang Espiritung bumababa at nananatili sa kanya, siya ang magbibigay sa Espiritu Santo!โ Nakita ko at pinatotohanan ko na siya nga ang hinirang ng Diyos.โ
Pagninilay:
Sa ating paglalakbay mula noong Adbiyento hanggang ngayong Kapaskuhan, isa sa mga katangi-tanging tauhang nakasalamuha natin sa liturhiya ay si San Juan Bautista. Nakakamangha siya dahil bago pa man isilang si Hesus ay nakilala na niya Siya at naglulundag sa galak sa sinapupunan ni Sta. Elisabet. Sa lakas ng Espiritu Santo, siya rin ang naghanda ng daan para sa ganap na paglalantad ni Hesus bilang ang pinakahihintay na Mesiyas. Para sa kanyang paninindigan, nauna rin siya kay Hesus na magbuwis ng buhay alang-alang sa katotohanan at katuwiran. Ang tanong: ano kaya ang sikreto sa kadakilaan at kabanalan ni San Juan Bautista?
Sa tagpo ng Mabuting Balita ngayon, direkta at walang pasubali ang pahayag ni San Juan Bautista nang makita niyang papalapit sa kanya si Hesus: โIto ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan!โ Ang kanyang pangunguna kay Hesus ay bunga lamang ng malaliman at taimtimang pakikipagkilala at pakikipagkaibigan kay Hesus, na siyang tunay na nanguguna na makipagkilala at makipagkaibigan sa atin, kahit bago pa tayo likhain. Samakatuwid, ang kadakilaan ni San Juan Bautista ay nakasalig hindi dahil may alam siya tungkol kay Hesus, kundi dahil kilala niyang lubos si Hesusโโhindi dahil magkamang-anak sila, kundi dahil naging bukรกs siya sa pagpapakilala ni Hesus ng kanyang sarili sa kanya.
Hindi lamang sa wakas ng panahon natin makakadaupang-palad si Hesus. Sa katunayan, araw-araw siyang nagpapakilala sa atin sa ibaโt ibang anyo: mga taong nakakasalamuha, mga sitwasyong kinakaharap, at sa iba pang mga mumunting biyaya na marahil ay nakasanayan na natin kaya โdi na nahahalata. Hilingin natin ang biyaya ng patuloy na pagbabagong-pananaw upang makadaupang-palad natin si Hesus at, tulad ni San Juan Bautista, ay maipahayag siya bilang ating Tagapagligtas, ngayon at magpakailanman. Amen.
- Cl. Russel Matthew Patolot, SSP | Society of St. Paul
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 2, 2026 โ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ
Paggunita kina Dakilang San Basilio at San Gregorio Nasianseno, mga Obispo at Pantas ng Simbahan
Unang Pagbasa: 1 Juan 2, 22-28 | Salmong Tugunan: Salmo 97

Ebanghelyo: Juan 1, 19-28
Ito ang pagpapatotoo ni Juan, nang suguin sa kanya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang ilang mga pari at mga Levita para tanungin siya: โSino ka ba?โ โHindi ako ang Kristo.โ Ano ka kung gayon? Si Elias ka ba?โ โHindi.โ Ang propeta ka ba?โ โHindiโ โSino ka ba? Para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ba ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?โ โAko ang โtinig ng sumisigaw sa ilang, โtuwirin ninyo ang daad ng Panginoon.โ: โAt bakit ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang Propeta?โ Sa tubig lang ako nagbibinyag, ngunit kasama naman ninyo siyang nakatayo na hindi pa ninyo nakikilala. Dumating siyang kasunod ko pero hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kanyang panyapak.โ Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilang ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.
Pagninilay:
Nangyari na ba โto saโyo? Noong nasa Italy ako, may matandang pari na nagtanong: โKoreana ka, โno?โ Sabay sagot ko: โHindi po!โ โIndonesia?โ โHindi po.โ โVietnam?โ โHindi rin po.โ โAh, alam ko na, China!โ โHindi po talaga!โ โEh, taga-saan ka ba?โ โPilipinas po!โ Sa mukha at pananalita lang siya nag-base. Pero iba si Juan Bautista, โdi ba? Dahil sa โgawa at kilosโ niya nagtanong ang mga tao: โSino ka nga ba?โ At solid ang sagot niya: โAko ang tinig ng sumisigaw sa ilangโtuwirin ninyo ang daan ng Panginoon!โ Alam niya kung sino siya at kung ano ang misyon niya. Mahalaga โto sa atin ngayonโang pagkakakilala sa sarili. Itโs what makes you, you. At alam mo bang malaki ang connect nito sa mental health natin? Kapag solid ang self- identity mo: - Hindi ka kaagad maa-anxiety sa problema - Hindi ka madaling ma-down - Mas confident ka at positive ang mindset mo. Kahit ano pa sabihin ng ibaโpraise man o bashโhindi ka matitinag. โPero heto โyung deepest truth: Beyond nationality, beyond career, beyond achievementsโฆ Kapanalig, ang pinakamalalim na identity mo. Anak ka ng Diyos. Minamahal ka. Inampon ka sa pamilya Niya. Sabi ni San Pablo: โWe are citizens of heaven.โ Ibig sabihin, nilikha tayo para sa forever. Ano ang sinasabi sa ating ng Mabuting Balita ngayon? Gaya ni Juan Bautista: Huwag mong kalimutan kung sino ka talaga โ hindi lang taga-Pilipinas, kundi taga- langit. Tuklasin mo at gawin ang mission mo โ โyung purpose na iniwan ng Diyos para saโyo. Kaya today, sa gitna ng pressure at ingay ng mundo, tandaan mo: You belong. You have worth. You have a purpose. Challenge ko saโyo: Isulat mo sa notes or i-comment moโano yung isang bagay nanagpapaalala saโyo kung sino ka talaga? Letโs remind each other, kapanalig. You are loved.
- Sr. Rose Agtarap, fsp | Daughters of St. Paul
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐๐ฐ ๐๐๐๐ซ 2026! โจ๐ฅฐ๐๐
To all our Paulines Multimedia subscribers and followersโthank you for being part of our journey. With Mary, Mother of God, we begin the year in prayer and hope for peace. ๐๏ธ
#PaulinesMultimedia#HappyNewYear2026#MotherOfGod#PrayForPeace
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 1, 2026 โ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐๐ฌ, ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ข๐, ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ
Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan
Unang Pagbasa I Bilang 6, 22-27
Salmong Tugunan l Salmo 66
Ikalawang Pagbasa | Galacia 4, 4-7
#MabutingBalita#DaughtersOfStPaulPhilippines#PaulinesPH#HappyNewYear2026
Ebanghelyo: Lucas 2, 16-21
Nagmamadaling pumunta ang mga pastol at natagpuan nila si Maria at si Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Pagkakita rito, pinatotohanan nila ang pahayag na binigkas sa kanila tungkol sa batang ito. Namangha rin ang mga nakarinig sa mga sinasabi ng pastol sa kanila. Iningatan naman ni Maria ang mga ito at pinagnilay-nilay sa kanyang puso. Umuwi ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil nakita nila ang lahat ng kanilang narinig ayon sa ipinasabi sa kanila. Pagsapit ng ikawalong araw, kailangan nang tuliin ang bata; noon siya pinangalanang Hesus, ang itinawag sa kanya ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
Pagninilay:
Bagong taon na naman, at karamihan sa atin ay nagsisimula agad sa plano, target, at resolusyon. May kaba, may pressureโparang kailangan agad ayusin ang buong taon sa unang araw pa lang. Parang ang bigat ng tanong: Ano ang mangyayari? Kakayanin ko ba? Tama ba ang mga desisyon ko?
Pero si Lord iba ang pagsalubong sa ibang bagong taon.
Sa Mabuting Balita ngayon, hindi tayo dinala sa ingay o engrandeng pasabog. Dinala tayo sa mga pastolโordinaryong taoโna nagmamadaling pumunta sa sabsaban. At doon nila natagpuan si Maria, si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban, gaya ng sinabi sa kanila ng Diyos.
Habang ang mga pastol ay nagkukuwento at nagpupuri, si Maria ay nananatiling tahimik. Sabi ng Mabuting Balita, โIningatan ni Maria ang lahat ng ito at pinagnilayan sa kanyang puso.โ Hindi niya minadali ang pag-unawa; hinayaan niyang ang Diyos ang magbigay-linaw sa tamang panahon.
Ito ang itinuturo ng Simbahan sa atin sa unang araw ng taon. Habang gusto nating hawakan ang mga magaganap, tinuturuan tayong humawak muna sa presensya ng Diyos. Hindi lahat ay kailangang maintindihan ngayonโang mahalaga ay kasama natin Siya ngayon.
At sa pagtatapos ng ating pagbasa, pinangalanan ang Bata: Hesus. Isang pangalan na nangangahulugang โAng Diyos ang nagliligtas.โ Hindi pa malinaw ang mga darating sa taong ito, pero malinaw na ang pangalang dala natin sa pagpasok sa bagong taon.
Hindi man alam ni Maria ang lahatโang paglalakbay, ang pagod, ang krus. Pero sapat na sa kanya na buhat buhat niya ang Anak ng Diyos. At dahil doon, ligtas ang hinaharap.
Ngayong bagong taon, baka marami ka ring hindi sigurado. Maraming katanungan. Maraming gustong ma-achieve at matiyak gamit ang pagpaplano. Pero bago lahat ng iyan, tulad ni Maria, siguruhin muna nating mahigpit ang hawak natin sa Diyos, ang ating tanging manliligtas.
Kapanalig, paano ka magsisimula ng taonโhawak ang lahat, o may dalang pananampalataya tulad ni Maria?
- Fr. Albert Garong, ssp | Society of St. Paul
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 9, 2026 โ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ ๐๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ณ๐๐ซ๐๐ง๐จ
Unang Pagbasa I Mga Bilang 21, 4b-9
Salmong Tugunan l Salmo 77
Ikalawang Pagbasa | Filipos 2, 6-11
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Juan 3: 13-17
Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: โWalang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langitโ ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.โ
Pagninilay:
Ang pista ng Hesus Nazareno ay isa sa kinikilalang debosyon sa Pilipinas. Dinadagsa ito ng milyon-milyong mga Katoliko na nagpapahayag ng malalim na pananampalataya at pagkakaisa bilang isang komunidad. Ang translacion o transfer of image sa Luneta, ang
original location ng imahen ng Poong Nazareno, na dinadala sa Quiapo, ay simbolo ng pasyon at paghihirap ni Hesus. Isang debosyon na nag-uugat sa pananalig ng mga tao na makatatamo sila ng milagrosong kagalingan at iba pang biyaya. Sa aming misyon sa Nueva Ecija ay nakilala namin ang isang deboto ng Poong Nazareno. Siya raw ay pinagaling ng Poong Nazareno sa kanyang sakit na cancer. Kaya taon-taon, hindi siya lumilibang pumunta sa Quiapo para maki-isa sa Pista bilang pasasalamat sa grasya niyang nakamtan. Ang itim na kulay ng Poong Hesus Nazareno ay representasyon ng paghihirap at walang hanggang pag-ibig ni Hesus sa katauhan. Siya ay palaging kapiling natin sa mga pakikibaka at mga pagsubok sa buhay. Lalung-lalo na sa panahon ngayon na napakaraming problema ang ating bansa. Manalig tayo at magtiwala na nakikiisa sa atin si Hesus at kailan man ay di Niya tayo pababayaan sa lahat ng pinagdadaanan natin sa buhay. Manalangin tayo: O Poong Hesus Nazareno, patnubayan mo po kami ng Iyong biyaya sa pamamagitan ng Espiritu Santo, upang matupad namin ang utos ng Diyos Ama
patungo sa iyong kaharian sa langit. Amen..
- Sr. Aida Adriano, fsp | Daughters of St. Paul
17 hours ago | [YT] | 78
View 8 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 8, 2026 โ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐๐ฌ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Unang Pagbasa I 1 Jn 4:19-5,4
Salmong Tugunan l Salmo 72
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Lucas 4: 14-22
Nagbalik si Hesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap sa buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. Kinaugalian niyang magturo sa kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya ng lahat. Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: โSumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ihayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.โ Binilot ni Hesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. Sinimulan niyang magsalita sa kanila: โIsinakatuparan na ang Kasulatan ito ngayon habang nakikinig kayo.โ At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nanggaling sa kanyang bibig. At sinabi nila: โHindi baโt ito ang anak ni Jose?โ
Pagninilay:
Mapayapang simula ng taon, mga kapanalig! Hindi lamang kwento ng isang guro na umikot sa mga bayan ang simula ng misyon ni Hesus sa Galilea; kwento rin ito ng kapangyarihang nagmumula sa Espiritu Santo - kapangyarihang nagpapagaling, nagbubukas ng mga mata, at nagbibigay ng bagong pag-asa sa mga pagod na puso.
Tahimik ang pagdating ni Hesus sa Nazaretโsarili Niyang bayanโwalang engrandeng pa-welcome. Tapat si Hesus kaya kahit walang pumapalakpak, kahit ordinaryong araw lang - pumasok Siya sa sinagoga โgaya ng Kanyang nakaugalian.โ Tinuturuan tayo na hindi nakikita sa malalaking gawain ang tunay na kabanalan, kundi sa pagiging tapat araw-araw.
Binasa ni Hesus ang aklat ni Isaias, ipinahayag kung sino Siya at kung ano ang kanyang misyon: magpahayag ng Mabuting Balita sa mahihirap, magpalaya sa mga bihag, magbigay-liwanag sa mga bulag, kanlungan ng mga inaapi, at ipahayag ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon. Opo, dumating si Hesus para sa lahat ng wasak, pagod, sugatan, at nawawalan ng pag-asa. Mula sa Kanya ang pinakamaiksi ngunit malalim na pagninilay sa Mabuting Balita, โNatupad ngayon ang kasulatang ito na inyong narinig.โ Hindi bukas, hindi sa ibang panahonโngayon.
Marami sa atin ang naghihintay ng himala bukas, ng kaginhawaan sa susunod na taon, o ng pagbabago โkapag handa na ako.โ Ngunit ipinapaalala ng Mabuting Balita: nagsisimula sa sandaling handa ka nang maniwala at magtiwala ang pagliligtas ng Diyos. Mga kapanalig, kahit gaano karami ang sugat moโemosyonal, espiritwal, o pinansyalโmay misyon si Hesus para saโyo: para palayain ka, pagalingin ka, at gawin kang tanglaw sa mundo. At tulad ng mga tao sa sinagoga na namangha sa Kanya, maaari ka ring mamanghaโsa gagawin ng Diyos sa buhay mo, simula ngayon.
- Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul
1 day ago | [YT] | 95
View 10 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 7, 2026 โ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Unang Pagbasa I 1 Juan 4, 11-18
Salmong Tugunan l Salmo 71
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Marcos 6, 45-52
Pinilit ni Hesus na sumakay ang mga alagad at pinauna sa Betsaida sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. At pagkapaalis niya sa kanila, mag-isa siyang lumayo papunta sa kaburulan para manalangin. Nasa laot na ang bangka nang gumabi at nag-iisa naman siyang nasa lupa. Nakita niya silang nahihirapan sa pagsagwan sapagkat pasalungat ang hangin. Kaya nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Hesus na naglalakad sa dagat, at waring lalampas sa kanila. Nang makita nila siyang naglalakad sa dagat, akala nila'y multo siya. Kaya sumigaw sila. Nakita nga siya nilang lahat at nasindak sila. Ngunit agad niya silang kinausap: โLakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.โ Nang nakasakay na siya sa bangka kasama nila, tumigil ang hangin kaya lalo pa silang namangha. Hindi nga nila naunawaan ang tungkol sa mga tinapay, kundi sarado ang kanilang isip.
Pagninilay:
Kung sasakay kayo ng Grab, makikita natin na gumagamit ang driver ng Waze para magsilbing gabay sa ating patutunguhan. Minsan alam na natin ang daan pero minsan iba ang itinuturo sa atin ng Waze. Kung titingnan natin akala natin mali ang tinituro nito pero binibigyan lang pala tayo ng ibang daan papunta sa ating paroroonan. Ganun din sa ating buhay-pananamplataya. Hindi ito straight path โ minsan magulo at minsan hindi natin alam kung bakit. Kagaya ng Waze, kahit iba ang daan na ibinibigay sa atin, itinuturo pa rin ang daan papunta sa patutunguhan natin.
Kadalasan napapatanong tayo: ''Bakit kaya nangyayari sa akin ito? Mukhang hindi yata pinapakinggan ng Diyos ang aking mga panalangin? Kagaya ng mga alagad sa ebanghelyo, noong makita nila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig na para bang nakakita sila ng multo. Nanggilalas sila dahil hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay. Hindi pa ito abot ng kanilang isip.'
Mga kapanalig, kung may mga pinagdaraanan tayo ngayon, kailangan lang natin itong I acknowledge. Pero huwag nating hayaan na maging hadlang ito sa pagsunod sa ating Panginoon. Maaring di pa natin nauunawaan ngayon, pero balang araw makikita rin natin ang dahilan kung bakit kailangan natin pagdaanan โyun. Kaya naman panghawakan natin ang sinabi ni Hesus: ''Huwag kayong matakot, Si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!''
Mga kapanalig, ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay hindi ibig sabihin wala na tayong takot na nararamdaman. Andyan pa rin ang takot, pero kung naniniwala tayo na kasama natin si Hesus, nagkakaroon tayo ng lakas loob. Si Hesus ang magsisilbing Waze natin upang ituro ang tamang daan papunta sa kanya. Mangyayari lamang ito kung nagdarasal tayo sapagkat sa pamamagitan ng panalangin itinuturo sa atin ni Hesus ang daan. Kaya lakad lang tayo nang may pananampalataya kay Hesus.
- Fr. Baste Gadia, SSP | Society of St. Paul
2 days ago | [YT] | 87
View 3 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 6, 2026 โ ๐๐๐ซ๐ญ๐๐ฌ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Unang Pagbasa I 1 Juan 4, 7-10
Salmong Tugunan l Salmo 71
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Marcos 6, 34-44
Nakita ni Hesus ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila ng matagal. Nang humahapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: โPaalisin mo sila ng makapunta sila sa mga nayon at bukid sa paligid at makabili ng kani-kanilang makakain.โ โKayo ang magbigay sa kanila ng makakain.โ โAt kami pa pala ang bibili ng tinapay โ dalawandaang denaryo di ba? At bibigyan namin sila.โ โIlang tinapay mayroon kayo? Sige, tingnan ninyo.โ โLima at may dalawa pang isda.โ Kaya iniutos niya sa kanila na paupuin nang grupo-grupo ang makapal na tao sa berdeng damuhan. At naupo silang grupo-grupo, tigiisandaan at tiglilimampu. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa Langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ibigay din nila sa mga tao. Gayundin naman, hinati niya ang dalawang isda. At kumain silang lahat at nabusog, at tinipon nila ang mga natirang pira-piraso- labindalawang punong basket mga piraso ng tinapay pati na mga piraso ng isda. Mga limanlibong lalaki ang napakain.
Pagninilay:
Anong importanteng aral ang itinuturo sa atin ng Mabuting Balita na ating napakinggan? Ayon kay Pope Francis, ang gospel episode na ito ay isang malinaw na pagtukoy sa Eukaristiya - โPagkatapos ay kinuha ni Hesus ang mga tinapay at isdang iyon, tumingala sa langit, binigkas ang basbas at pinagpira-piraso ang mga ito at ibinigay sa mga disipulo na namahagi ng mga itoโฆโ Ipinamahagiโฆang lahat ay kumainโฆat meron pang natiraโฆ โSi Hesus ang tinapay ng buhay para sa sangkatauhan.โ
Kapanalig, ito ang milagrong nangyayari โpag tayo ay buong pusong nagbibigay ng ating sarili, kakayahan, yaman o pagkain para sa kabutihan ng ating kapwa. Hindi tayo nakukulangan. Sa halip, ang ibinibigay natin ay nagpo-produce pa ng hundredfold โ not in a magical way โ but because they also inspire others to do the same. So, dumadami at nagkakaroon pa ng sobra. โDi ba ang human tendency natin is to hoard, to think first of ourselves? Pero, the Lord remembers a generous heart. Kung generous tayo sa pagtulong at pag-share sa nangangailangan, He will be more generous with us in return. The Lord is the God of abundance. Hindi siya nagtitipid sa atin. Kaya nga, hindi important kahit maliit lamang ang ating maibibigay o maisi-share. Ang mahalaga, nanggagaling ito sa kaibuturan ng puso. At ito ay babalik sa atin nang mas higit pa, wastong sukat, puno, liglig at umaapaw. - Sr. Pinky Barrientos, fsp | Daughters of St. Paul
3 days ago | [YT] | 125
View 4 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 5, 2026 โ ๐๐ฎ๐ง๐๐ฌ, ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Unang Pagbasa: 1 Juan 3, 22 โ 4, 6 | Salmong Tugunan: Salmo 2
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Mateo 4, 12-17. 23-25
Nang marinig ni Hesus na dinakip si Juan, Lumayo siya pa-Galilea. Hindi rin siya tumigil sa Nazaret, kundi sa Capernaum nanirahan, sa may baybayin ng lawa ng Galilea, sa teritoryo ng Zabulon at Neftali. Kaya natupad ang salita ni Propeta Isaias: โMakinig kayo, mga lupain ng Zabulon at Neftali, mga daang patungo sa Dagat, kabilang ibayo ng Jordan; pakinggan ako, Galileang lupain ng mga pagano. Nakakita na ng malaking liwanag ang mga lugmok sa kadiliman. Sumikat na ang liwanag sa mga nasa anino ng kamatayan.โ At magmula noon, sinimulang ipahayag ni Hesus ang kanyang mensahe: โMagbagumbuhay; lumapit na nga ang kaharian ng Langit.โNagsimulang maglibot si Hesus sa buong Galilea. Nagturo siya sa kanila mga sinagoga, ipinahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian at pinagaling ang kung anu-anong klase ng sakit at kapansanan ng mga tao.Lumaganap sa buong Siria ang balita tungkol sa kanya. Kaya dinala sa kanya ang mga may karamdaman, ang lahat ng naghihirap dahil sa sakit, ang mga inaalihan ng demonyo, ang mga nasisiraan ng bait, ang mga paralitiko, at pinagaling niya silang lahat. Sinundan siya ng maraming taong galing sa Galilea, sa Sampung Lunsod, sa Jerusalem, sa Judea at sa kabilang ibayo ng Jordan.
Pagninilay:
Pamilyar ba kayo sa kasabihan na, โNo retreat, no surrenderโ? Ibig sabihin nito, kailangan lakas-loob nating harapin ang bawat hamon ng buhay; huwag agad sumusuko. Pero sa Ebanghelyo ngayon, tila hindi ito sinunod ni Hesus. Matapos Niyang mabalitaan ang pagkabilanggo ni Juan Bautista, umiwas Siya at nagpunta sa Galilea. Tama ba ang ginawa ng ating Panginoon?
Oo, tama. Sapagkat ang hindi ito pag-atras na may halong takot o pag-urong-sulong. Ang Kanyang paglayo ay isang matalinong hakbang โ isang paghahanda para sa mas malaki at mas malawak na misyon na inilalaan ng Ama. Ganyan din sa buhay natin. May mga sandaling kailangan nating umatras pansamantala โ magpahinga, magmuni-muni, manahimik. Hindi ito kabiguan. Hindi ito kawalan ng tapang. At hindi ito pag-iwan sa laban. Ito ay paghuhubog at pag-ayos ng puso. Ito ay paghahanda.
Minsan strategy din ng Diyos ang pag-atras. Ang ginawa ni Hesus ay isang paalala: sa bawat pag-atras natin, hindi tayo nag-iisa. Kasama pa rin natin Siya. Kayaโt ang pag-atras na kasama ang Diyos ay nagiging isang matapang, matalino, at mapagpakum-babang hakbang para mas lalo tayong lumakas, mas luminaw ang pag-iisip, at mas maging handa sa susunod na laban.
Tanungin natin ang ating sarili: Saang bahagi ng buhay ako tinatawag ng Panginoon na mag-step back muna? Sa pagsusuri ng sarili? Sa pag-aayos ng priorities? Sa paghilom ng nasugatang puso? Sa pagwawasto ng mga pagkakamali? O sa tahimik na paglapit sa Diyos upang makita nang mas malinaw ang susunod na hakbang?
Huwag kang matakot. Kung kasama natin si Hesus, ang pag-step back ay isang pag-step forward din. Amen.
- Fr. John Klen Malificiar, SSP | Society of St. Paul
4 days ago | [YT] | 90
View 2 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 4, 2026 โ ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Unang Pagbasa: Isaias 60, 1-6 | Salmong Tugunan: Salmo 71
Ikalawang Pagbasa: Efeso 3, 2-3a. 5-6
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Mateo 2, 1-12
Pagkapanganak kay Hesus sa Betlehem sa Judea, sa panahon ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang ilang pantas mula sa Silangan. Nagtanong sila: โNasaan ang bagong silang na hari ng maga Judio? Nakita namin ang pagsikat ng kanyang tala sa Silangan at naparito kami para sambahin siya.โNang marinig ito ni Herodes, naligalig siya at ang buong Jerusalem. Ipinatawag niya kaagad ang buong kaparian at ang mga dalubhasa sa Batas, at itinanong sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesiyas.At sinabi nila: โSa Betlehem ng Juda sapangkat ito ang isinulat ng Propeta: โAt ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakaaba sa mga angkan ng Juda, sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno: siya ang magiging pastol ng aking bayang Israel.โKaya lihim na tinawag ni Herodes ang mga pantas at hiningi sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa sumikat na tala. At saka niya sila pinapunta sa Betlehem at sinabi: โPumunta kayo at alamin ang tungkol sa bata. Pagkakita ninyo sa kanya, bumalik kayo sa akin para makapunta rin ako sa kanya at makasamba.โUmalis sila pagkarinig nila sa hari. Nagpauna sa kanila ang tala na nakita nila sa Silangan, at tumigil ito sa itaas ng lugar na kinaroroonan ng sanggol. Labis na natuwa ang mga pantas nang makita nilang muli ang tala! Pumasok sila sa bahay at nakita nila ang sanggol kasama ni Mariang kanyang ina. Lumuhod sila at sumamba, at binuksan ang kanilang mga mamahaling dala at hinandugan siya ng mga regalong ginto, kamanyang at mira.At nag-iba sila ng daan pag-uwi nila sa kanilang lupain dahil binilinan sila sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes.
Pagninilay:
Pamilyar tayo sa sabsaban ng Belen at kung sinu-sino at ano ang makikita doon. Kasama ng bagong silang na Sanggol na si Hesus ang kanyang mga magulang na sina Jose at Maria, gayon din ang mga pastol kasama ang kanilang mga tupa. Sila ang mga unang bisita ng bagong silang na Sanggol. Natunton ng mga pastol ang Belen sa paggabay sa kanila ng mga anghel. Di kalaunan, dumating ang ikalawang pangkat ng mga bisita sa katauhan ng mga astronomo o mga pantas. Mula sila sa malayo, sa dakong silangan, kayaโt nabuo ang paniniwalang nagmula sila sa kaharian ng Persia.
Pinag-aaralan nila ang paggalaw ng mga bagay-bagay sa kalawakan, at inuugnay nila ang pagkilos ng mga ito sa takbo ng buhay ng tao sa lupa. Nang isilang ang sanggol na si Hesus, may sumulpot na liwanag sa kalangitan. Kakaiba ang liwanag na nakita nila sapagkat sadyang maningning at malawak ang sakop. Nabuo sa isipan nila kung gaano kahalaga ang araw na yaon na maaring naging saksi sa pagsilang ng isang dakilang tao o hari.
Mahalaga ang kapistahan ng Epifanya dahil kinukumpleto nito ang kuwento ng Pasko. Ang sanggol na Hesus ay nakita hindi lamang ng mga Judio, na kinatawan ng mga pastol, kundi pati ng mga hindi Judio, sa katauhan ng mga Pantas mula sa Silangan. Ang Mesiyas ay para sa lahat ng tao at hindi lamang para sa Israel. Unang nagtanong ang mga Pantas kay Herodes tungkol sa sanggol, ngunit pagkatapos nilang matagpuan si Hesus, tinunton nila ang ibang daan at hindi na bumalik kay Herodes.
Panginoon, muli naming nasilayan at pinagnilayan ang bagong silang na Sanggol at ang kaugnayan niya sa aming buhay. Turuan mo kaming magpahalaga sa bawat buhay na kaloob mo, lalung-lalo na ang mga sanggol na mahihina at walang kalaban-laban. Ilayo mo kami sa karahasan at panggigipit sa kapwa. Sa tapat naming pagtupad sa aming araw-araw na trabaho, nawaโy masumpungan namin ang Panginoong magliligtas sa amin at magtuturo sa aming tahakin ang tuwid at bagong daan ng buhay. Amen.
- Fr. Paul Marquez, ssp | Society of St. Paul
5 days ago | [YT] | 75
View 10 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 3, 2026 โ ๐๐๐๐๐๐จ
Paggunita sa Kabanal-banalang Ngalan ng ating Panginoong Hesus
Unang Pagbasa I 1 Juan 2, 29 โ 3, 6
Salmong Tugunan l Salmo 97
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Juan 1, 29-34
Nakita ni Juan Bautista si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya: โHayan ang Kordero ng Diyos, ang nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Ito ang tinutukoy ko nang sabihin kong โNagpauna na sa akin ang lalaking kasunod kong dumating sapagkat akoโy siya na.โ Hindi ko nga siya nakilala pero dahil sa kanya kaya ako pumaritong nagbibinyag sa tubig upang mahayag siya sa Israel.โAt nagpatotoo si Juan: โNakita ang Espiritu na bumababa mula sa langit gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya. Hindi ko nga siya nakilala ngunit ang nagsugo sa akin na magbinyang sa tubig ang nagwika sa akin. โKung kanino mo makita ang Espiritung bumababa at nananatili sa kanya, siya ang magbibigay sa Espiritu Santo!โ Nakita ko at pinatotohanan ko na siya nga ang hinirang ng Diyos.โ
Pagninilay:
Sa ating paglalakbay mula noong Adbiyento hanggang ngayong Kapaskuhan, isa sa mga katangi-tanging tauhang nakasalamuha natin sa liturhiya ay si San Juan Bautista. Nakakamangha siya dahil bago pa man isilang si Hesus ay nakilala na niya Siya at naglulundag sa galak sa sinapupunan ni Sta. Elisabet. Sa lakas ng Espiritu Santo, siya rin ang naghanda ng daan para sa ganap na paglalantad ni Hesus bilang ang pinakahihintay na Mesiyas. Para sa kanyang paninindigan, nauna rin siya kay Hesus na magbuwis ng buhay alang-alang sa katotohanan at katuwiran. Ang tanong: ano kaya ang sikreto sa kadakilaan at kabanalan ni San Juan Bautista?
Sa tagpo ng Mabuting Balita ngayon, direkta at walang pasubali ang pahayag ni San Juan Bautista nang makita niyang papalapit sa kanya si Hesus: โIto ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan!โ Ang kanyang pangunguna kay Hesus ay bunga lamang ng malaliman at taimtimang pakikipagkilala at pakikipagkaibigan kay Hesus, na siyang tunay na nanguguna na makipagkilala at makipagkaibigan sa atin, kahit bago pa tayo likhain. Samakatuwid, ang kadakilaan ni San Juan Bautista ay nakasalig hindi dahil may alam siya tungkol kay Hesus, kundi dahil kilala niyang lubos si Hesusโโhindi dahil magkamang-anak sila, kundi dahil naging bukรกs siya sa pagpapakilala ni Hesus ng kanyang sarili sa kanya.
Hindi lamang sa wakas ng panahon natin makakadaupang-palad si Hesus. Sa katunayan, araw-araw siyang nagpapakilala sa atin sa ibaโt ibang anyo: mga taong nakakasalamuha, mga sitwasyong kinakaharap, at sa iba pang mga mumunting biyaya na marahil ay nakasanayan na natin kaya โdi na nahahalata. Hilingin natin ang biyaya ng patuloy na pagbabagong-pananaw upang makadaupang-palad natin si Hesus at, tulad ni San Juan Bautista, ay maipahayag siya bilang ating Tagapagligtas, ngayon at magpakailanman. Amen.
- Cl. Russel Matthew Patolot, SSP | Society of St. Paul
6 days ago | [YT] | 84
View 6 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 2, 2026 โ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ
Paggunita kina Dakilang San Basilio at San Gregorio Nasianseno, mga Obispo at Pantas ng Simbahan
Unang Pagbasa: 1 Juan 2, 22-28 | Salmong Tugunan: Salmo 97
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Juan 1, 19-28
Ito ang pagpapatotoo ni Juan, nang suguin sa kanya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang ilang mga pari at mga Levita para tanungin siya: โSino ka ba?โ โHindi ako ang Kristo.โ Ano ka kung gayon? Si Elias ka ba?โ โHindi.โ Ang propeta ka ba?โ โHindiโ โSino ka ba? Para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ba ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?โ โAko ang โtinig ng sumisigaw sa ilang, โtuwirin ninyo ang daad ng Panginoon.โ: โAt bakit ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang Propeta?โ Sa tubig lang ako nagbibinyag, ngunit kasama naman ninyo siyang nakatayo na hindi pa ninyo nakikilala. Dumating siyang kasunod ko pero hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kanyang panyapak.โ Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilang ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.
Pagninilay:
Nangyari na ba โto saโyo? Noong nasa Italy ako, may matandang pari na nagtanong: โKoreana ka, โno?โ Sabay sagot ko: โHindi po!โ โIndonesia?โ โHindi po.โ โVietnam?โ โHindi rin po.โ โAh, alam ko na, China!โ โHindi po talaga!โ โEh, taga-saan ka ba?โ โPilipinas po!โ Sa mukha at pananalita lang siya nag-base. Pero iba si Juan Bautista, โdi ba? Dahil sa โgawa at kilosโ niya nagtanong ang mga tao: โSino ka nga ba?โ At solid ang sagot niya: โAko ang tinig ng sumisigaw sa ilangโtuwirin ninyo ang daan ng Panginoon!โ Alam niya kung sino siya at kung ano ang misyon niya. Mahalaga โto sa atin ngayonโang pagkakakilala sa sarili. Itโs what makes you, you. At alam mo bang malaki ang connect nito sa mental health natin? Kapag solid ang self- identity mo: - Hindi ka kaagad maa-anxiety sa problema - Hindi ka madaling ma-down - Mas confident ka at positive ang mindset mo. Kahit ano pa sabihin ng ibaโpraise man o bashโhindi ka matitinag. โPero heto โyung deepest truth: Beyond nationality, beyond career, beyond achievementsโฆ Kapanalig, ang pinakamalalim na identity mo. Anak ka ng Diyos. Minamahal ka. Inampon ka sa pamilya Niya. Sabi ni San Pablo: โWe are citizens of heaven.โ Ibig sabihin, nilikha tayo para sa forever. Ano ang sinasabi sa ating ng Mabuting Balita ngayon? Gaya ni Juan Bautista: Huwag mong kalimutan kung sino ka talaga โ hindi lang taga-Pilipinas, kundi taga- langit. Tuklasin mo at gawin ang mission mo โ โyung purpose na iniwan ng Diyos para saโyo. Kaya today, sa gitna ng pressure at ingay ng mundo, tandaan mo: You belong. You have worth. You have a purpose. Challenge ko saโyo: Isulat mo sa notes or i-comment moโano yung isang bagay nanagpapaalala saโyo kung sino ka talaga? Letโs remind each other, kapanalig. You are loved.
- Sr. Rose Agtarap, fsp | Daughters of St. Paul
1 week ago | [YT] | 88
View 3 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐๐ฐ ๐๐๐๐ซ 2026! โจ๐ฅฐ๐๐
To all our Paulines Multimedia subscribers and followersโthank you for being part of our journey. With Mary, Mother of God, we begin the year in prayer and hope for peace. ๐๏ธ
#PaulinesMultimedia #HappyNewYear2026 #MotherOfGod #PrayForPeace
1 week ago | [YT] | 35
View 4 replies
Paulines Multimedia
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐จ 1, 2026 โ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐๐ฌ, ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ข๐, ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ
Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan
Unang Pagbasa I Bilang 6, 22-27
Salmong Tugunan l Salmo 66
Ikalawang Pagbasa | Galacia 4, 4-7
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH #HappyNewYear2026
Ebanghelyo: Lucas 2, 16-21
Nagmamadaling pumunta ang mga pastol at natagpuan nila si Maria at si Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Pagkakita rito, pinatotohanan nila ang pahayag na binigkas sa kanila tungkol sa batang ito. Namangha rin ang mga nakarinig sa mga sinasabi ng pastol sa kanila. Iningatan naman ni Maria ang mga ito at pinagnilay-nilay sa kanyang puso. Umuwi ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil nakita nila ang lahat ng kanilang narinig ayon sa ipinasabi sa kanila. Pagsapit ng ikawalong araw, kailangan nang tuliin ang bata; noon siya pinangalanang Hesus, ang itinawag sa kanya ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
Pagninilay:
Bagong taon na naman, at karamihan sa atin ay nagsisimula agad sa plano, target, at resolusyon. May kaba, may pressureโparang kailangan agad ayusin ang buong taon sa unang araw pa lang. Parang ang bigat ng tanong: Ano ang mangyayari? Kakayanin ko ba? Tama ba ang mga desisyon ko?
Pero si Lord iba ang pagsalubong sa ibang bagong taon.
Sa Mabuting Balita ngayon, hindi tayo dinala sa ingay o engrandeng pasabog. Dinala tayo sa mga pastolโordinaryong taoโna nagmamadaling pumunta sa sabsaban. At doon nila natagpuan si Maria, si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban, gaya ng sinabi sa kanila ng Diyos.
Habang ang mga pastol ay nagkukuwento at nagpupuri, si Maria ay nananatiling tahimik. Sabi ng Mabuting Balita, โIningatan ni Maria ang lahat ng ito at pinagnilayan sa kanyang puso.โ Hindi niya minadali ang pag-unawa; hinayaan niyang ang Diyos ang magbigay-linaw sa tamang panahon.
Ito ang itinuturo ng Simbahan sa atin sa unang araw ng taon. Habang gusto nating hawakan ang mga magaganap, tinuturuan tayong humawak muna sa presensya ng Diyos. Hindi lahat ay kailangang maintindihan ngayonโang mahalaga ay kasama natin Siya ngayon.
At sa pagtatapos ng ating pagbasa, pinangalanan ang Bata: Hesus. Isang pangalan na nangangahulugang โAng Diyos ang nagliligtas.โ Hindi pa malinaw ang mga darating sa taong ito, pero malinaw na ang pangalang dala natin sa pagpasok sa bagong taon.
Hindi man alam ni Maria ang lahatโang paglalakbay, ang pagod, ang krus. Pero sapat na sa kanya na buhat buhat niya ang Anak ng Diyos. At dahil doon, ligtas ang hinaharap.
Ngayong bagong taon, baka marami ka ring hindi sigurado. Maraming katanungan. Maraming gustong ma-achieve at matiyak gamit ang pagpaplano. Pero bago lahat ng iyan, tulad ni Maria, siguruhin muna nating mahigpit ang hawak natin sa Diyos, ang ating tanging manliligtas.
Kapanalig, paano ka magsisimula ng taonโhawak ang lahat, o may dalang pananampalataya tulad ni Maria?
- Fr. Albert Garong, ssp | Society of St. Paul
1 week ago | [YT] | 62
View 4 replies
Load more